102614

5 1 0
                                    

Oktubre 26, 2014

Alas-sais ay nakapaligo at nakabihis na ako. Ready na ako para umuwi. Kaya lang, naghintayan pa kami. Nakatulog mga ako sa paghihintay. Paggising ko, isang malapistang almusal na naman ang naganap. Sarap!

Alas-9, umalis na kami. Dumiretso kami sa Manaog. Pasado-alas-onse na namin narating ang simbahan. Nadisappoint ako. Akala ko kasi ay lumang-luma na ang iyon. Pero, na-enjoy kmai ni Sir Erwin. Nilibot namin at nagpicture. At least, nadagagan na naman ang collection ko ng church pictures.

Pagkatapos, naglunch kami sa Hardin sa Paraiso. Nadaanan lang namin.

Ang ganda ng lugar. Native ang mga design ng cottage. Maganda ang landscape. Na-appreciate naming lahat.  Kaya, andami naming pictures.

Pasado, alas-6 ay nasa Caloocan na kami. Niyaya kasi kaming mag-stopover sa bahay ni Sir Erwin. Doon ay naghanda si Mrs. Climacosa ng dinner. Sarap! Nabusog ako. 

Alas-otso ay nasa boarding house na ako. Pagod ako pero maligaya. Ang sarap talagang maglakbay at mamasyal!

Alam Mo Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon