103014

13 1 0
                                    

Oktubre 30, 2014

Maaga na naman akong nagising. Pero, muntik na akong ma-late. Ilang minute na lang ay alas-sais na. Kaya lang pag-punch ko ng time card, nasa 1 na ang print. November 1 na pala ang date ng bundee clock. Sayang! Dapat nagpa-late na lang din ako.

Gayunpaman, sinimulan ko ang klase sa pagpapa-check ng mga papel sa mga bata. Nakapag-practice din ang mga pupils ko na magdo-doxology. Tapos, nakapaglinis pa ako sa garden ko at nakapag-bonsai. Patay na patay talaga ako ngayon sa pagbobonsai.

Hinintay ko si Mamuh na matapos niyang practice-in ang mga pupils niya na sasayaw ng Hawaiian dance, kasi gamit niya ang laptop ko. Quarter to 2 na sila natapos. Past two naman ako nakauwi.

Umidlip ako pagkatapos kong mag-Fb ng sandali. Hinayaan ako ni Emily na makatulog. Sarap! Nakabawi ako ng antok.

Alam Mo Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon