102514

0 0 0
                                    

Oktubre 25, 2014

Alas-singko ang usapan ng pag-alis namin mula kina Mia papunta sa Alaminos. Pero, eksakto alas-singko pla naiset ang alarm. Kaya ang sumatotal ay alas-8 kami nakaalis. Okay lang, at least natuloy kami. Pasado alas-onse na nga lang kami nakarating sa Hundred Islands.

Namamgha ako sa ganda ng mga isla. Sulit! Ang ganda! Ang saya-saya.

Kakaibang experience. Nakapaligo na, nakapag-sight-seeing pa. Nakapagdala pa ako ng corals at bato.

Alas-otso n.akami nakabalik kina Mia. Isang masagamang dinner ang naabutan namin. Idagdag pa ang mga tira naming pagkain. Fiesta talaga.

Pagkatapos kumanta, magbideoke kami. Hanggang alas-onse lang kasi, sobrang antok ko na. 

Thanks, God! Natuloy.din ako. Hindi man ako nakasama kina Mareng Lorie noong  Mayo, natuloy naman ngayon. Isa na naman itong milesstone sa buhay ko. 

Alam Mo Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon