Sinimulan nyang paandarin ang kotse at hanggang maka rating kami sa isang sosyal na pamilihan ng damit. Binuksan nya ang pinto ng koste at pumasok na kami sa loob.
"Wow ang ganda naman ng mga damit dito"
"Pumili ka ng kahit ilang damit dyan bibilhin ko"
"S-Siryoso ka???"
Tumango sya at ngumiti nangangahulugang hindi sya nag bibiro.
Kumuha ako ng isang damit at tiningnan ang price tag nito.
"300,000!???"
Nang makita ang price tag ng damit parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko kaya nag bago ang isip ko at lumapit kay Raiko.
"Ano naka pili kana ba?"
"Um... Wag nalang siguro tayong bumili"
"Bakit ayaw mo ba ng mga damit dito?"
"Hindi naman sa ganon kasi ang mahal ng mga damit dito"
"Dont worry I can handle all the prices of the dresses"
"O-Ok?"
Pumunta ako sa isang saleslady upang mag tanong.
"Excuse me Miss ano ba ang pinaka mura nyo dito?"
"Ah... Eto po Maam 100,000 lang po ito"
"A-Aganon ba? Sige salamat"
Maddie POV: Mura naba ang 100,000 eh kahit pag sama-samahin ang sweldo at baon ko hindi ako makakabili ng ganitong damit!
Maya maya tumawag si Cindy kay Raiko at napag usapan nila ang tungkol kay Maddie.
"A-Ano nakita mo na sya???"
Tanong ni Cindy.
"Oo nakita ko na sya, nasa bus stop sya malapit sa Hospital"
"Ok?"
_____
"Lagi nalang nangengealam si Maddie sa mga ginagawa ko kaya hindi na ito matapos tapos!"
Galit na sabi ng tatay ni Maddie.
"Sesante na kayong lahat!"
"Ano ibig nyong sabihin Mister Oh??"
Tanong ni Dexter.
"Hindi ko na kayo kailangan, ibibigay ko nalang ang sahod nyo bukas"
"Mister Oh wala akong pupuntahan, pwede ba dito nalang ako tumira dahil sa probinsya pa ang bahay ko"
Tumingin lang si Mister Oh at bumalik na sa kwarto.
Samantala....
"Anong gagawin ko paano ako makakabalik? Oo nga by episode nga pala ang W kailangan mag karon ng eksena na pwede maging ending scene"
BINABASA MO ANG
W - Two Worlds
FantasyMagkaron kaya ng happy ending ang isang love story na nabuo sa isang Fantasy World? na kung saan nahahati sila sa dalawang mundo na walang nakakaalam kung kaylan ito magtatapos.