( Flash Back )
"Tigilan mo na ang pag inom mo!"
Sabi ng Mama ni Maddie.
"Ayoko naman talagang uminom pero umiinom ako dahil nahihirapan na talaga ako!"
Sagot ni Mister Oh.
"Nahihirapan?"
"Oo"
"Ah ganon? Siguro dapat ngang uminom narin ako kaysa maka sama ka!"
"Sige uminom ka bahala ka sa buhay mo!"
"Masisiraan na ako ng bait sa buhay na toh!"
"Bahala ka!"
Bawat salitang lumalabas sa kanilang bibig ay naririnig ni Maddie kaya ginagawa nalang nya ay tinaktakpan ang kanyang mga tenga upang hindi marinig ang mga masasamang salita sa kanyang mga magulang.
( End Of Flash Back )
"Si Jando Oh ay isang sikat na webtoon artist na may masagwang pamilya na kaylan man ay hindi umasenso dahil dito hindi rin sya nabubuhay na walang alak at lagi nyang iniisip na sya ay isang ganap na talunan"
Sabi ni Raiko.
"Kaya nilikha mo ako, ginawa mo isang binatang nakukuha ang kanyang mga kagustuhan at sikat, ginawa mo akong napaka tatag na tao at isang lalakeng kumpleto at kabaliktaran mo!"
Ngumisi si Raiko at nag salita ulit.
"Kaya pala Raiko Kang ang pinangalan mo sa akin, ginawa mo ako para maka limutan mo ang katotohanan, hindi rin nagtagal iniwan ka narin ng asawa mo at madali kang na depress simula non ay lagi kanang nawawalan ng tiwala sa sarili at sumusuko kaya pinatay mo ako at pinamukang nagpakamatay at hindi ko na kaya, simula non paulit ulit nalang ang aking mga bangungot na nalulunod sa Han River"
Salaysay ni Raiko.
"Nung mga oras na yon hindi ko lubos maintindihan kung patay naba talaga ako o ano at ayun nag bago ang takbo ng iyong isip at binuhay mo ako"
"Hindi kita niligtas nabuhay ka mula sa kamatayan! Pinatay kita pero nabuhay ka ulit kaya napilitan akong iligtas ka"
"Napilitan akong iligtas ka dahil naka kita ako ng isang hudyat na ituloy ang kwento at wag kang patayin at doon din nag simula ang pagiging halimaw mo katulad ngayon! Oo tama ka binigay ko sayo ang lahat, ang lahat na gusto kong maasam pero anong nangyari? Natutunan mong alamin ang tungkol sa mundong ginawa ko gamit ang aking isipan nung una wala akong pakealam dahil alam kong isa kalang webtoon character!"
Salaysay ni Mister Oh.
Habang nakikinig ako sa kanilang usapan lubos akong napapaiyak sa lumalabas sa kanilang mga bibig.
"Dahil isa pa hindi ka naman tao isa kalang bagay na palipas oras ko lang! At ngayon nandito kana"
( Flash Back )
Pumunta si Mister Oh sa isang Psychiatrists upang mag patingin sa kanyang mga nararanasan.
"Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin para na akong mababaliw. paggising ko sa umaga meron ng ibang drowing"
Pagkatapos nya magpatingin, kinagabihan naki pag inuman sya sa kanyang mga kaibigan.
"Sa tingin nyo ba nababaliw na ako?"
"Lagi ka kasing laseng kaya hindi mo na namamalayan ang mga ginagawa mo"
"Oo nga hindi kana bata!"
Tinawanan lang sya ng kanyang mga kaibigan sa kanyang sinabi.
( End Of Flash Back )
"Sinabi ko sa mga kaibigan ko ang tungkol don ngunit walang naniwala sa akin, sinubukan kong magpakalayo-layo dahil sa takot ngunit hindi ko kaya dahil nangangamba ako para sa anak ko at isa pa wala akong nagawa kahit ano para sa kanya habang lumalaki sya, sinabi ko sa sarili ko na pilitin kong gumawa parin dahil gusto ng mga tao ang likha ko, napag isipan ko na magipon ng pera upang makapagtayo ako ng Hospital para sa kanya at para din maka tulong sa kanya kahit hindi na ako nagtratrabaho"
Salaysay ni Mister Oh.
Habang nakikinig ako at narinig ko ang mga sinabi ni Papa nalaman ko na mahal din naman nya pala ako.
"Akala mo ba ikaw lang ang may bangungot!? Tuwing gabi lagi akong may bangungot!! Isang bangungot na katulad nito! Kahit mahirap ito pinipilit ko dahil pag tinapos ko ito hindi na ako pwedeng gumuhit pa ulit, simula ng pinasok mo ako sa webtoon at pinasok mo rin ang anak ko kinamumuhian na kita!!"
Salaysay ni Mister Oh.
"Isa kalang ilusyon dahil isa kalang character na ginawa ko at ngayon nagpapanggap kang tao? Bat mo pa tinutuloy ang istorya at dinadamay mo pa aking anak!? Isa kalang character na ginawa ko tandaan mo yan!!"
Emosyonal na sabi ni Mister Oh.
Tumayo si Mister Oh at nagsalita muli.
"Gusto mo akong barilin? Sige gawin mo! Sa tingin mo kaya mo akong barilin? Hinde kase hindi mo kaya"
Panghahamon ni Mister Oh.
To be continue......
BINABASA MO ANG
W - Two Worlds
FantasíaMagkaron kaya ng happy ending ang isang love story na nabuo sa isang Fantasy World? na kung saan nahahati sila sa dalawang mundo na walang nakakaalam kung kaylan ito magtatapos.