Chapter 15

150 17 6
                                    

Pagkatapos ng 1.5 million years natapos na ang operasyon at nagaayos nalang ng mga gamit.

Paalis na sana ako ng biglang nag salita ang bwiset kong boss na ewan.

"At saan ka pupunta???"

"Hah?"

"Diba sabi ko sayo mag usap tayo pagkatapos ng surgery?"

"Hindi ko naman po nakalimutan"

"Ah ganon? Halika dito"

"Sa totoo lang po may taong naghihintay mo sa akin sa labas at napaka impotante po nung tao na yon"

Sumimangot sya at tumingin ng diretsyo sa aking mata.

"Ang sabi ko lumapit ka, isa.... dalawa....."

Kaya wala na akong nagawa kaya sumunod nalang ako kahit pa naiinis na ako😒.

"Diba ang sabi ko sayo umayos ka pag kausap ako at sundin lahat ng sasabihin ko at alam mo din isang akong W fan diba!?"

Sabi nya habang hinahampas ako ng papel sa ulo.

"Kaya dapat ayus-ayusin mo lahat ng mga ginagawa mo hah kase nag rereflect ito sa Papa mo"

"Hinde naman po yon sa ganon"

"Alam mo bang tatlong araw na akong istress na istress sa kwento ng W hah!? Nasisiraan naba ng ulo ang Papa mo!? Bakit nagkaroon ng Lovestory na dapat busy sya sa paghahanap sa suspect sa pagpatay sa pamilya nya? Ano bang nangyayari? Nakalimutan naba nya ang takbo ng kwento!?"

Bwiset na bwiset na sagot ng boss ko sa akin.

"Bakit pwede naman pong mangyari yon"

"Anong sabi mo?"

"Hinde naman pong pwedeng laging nagtratrabaho ang isang tao, parang hindi naman po ata makatotohanan yon, Pwede rin naman pong ma-inlove ang isang bida, At para hindi rin naman po sya malamon ng sumpa ng paghihiganti at tao din naman po si Raiko diba?"

"Nagagalit kaba kase iniinsulto ko ang Papa mo?"

"Hinde po....."

Sabi ko habang umiiling.

"Sa kabilang banda nito wala naman talagang pagibig nagaganap dahil ang totoo ay naglalandian lang sila"

"Sigurado po ako na pagibig ang nararamdaman nila at bakit nyo po na sabi na hindi yon pagmamahal?"

"Ano kamo?"

"Pano po kayo nakaka-sigurado na naglalandian lang sila? para sa akin hindi po yon landian"

"Jusko po maryosep, bakit may sinabi na bang kahit ano si Raiko sa kanya? Diba wala?"

"Grabe naman po kayo"

"Bakit meron bang mangyayari sa kanilang dalawa? may alam kaba???"

W - Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon