Maddie POV
Eto parin kami ni Dexter hating gabi na pero abala parin sa pag guhit. Kasalukuyan ko syang pinapanood habang nagdradrawing sa tablet ni Papa ewan ko ba kung napipilitan lang sya o tinatamad sa pag guhit pero anong magagawa ko this is my only hope kaya gagawin ko na lahat maligtas lang sya.
"Ano bayan ilang oras na akong nag dradrawing dito eh wala paring nangyayari!!? Sabi ko sayo nung una palang hindi ito gagana kaya ako sayo Papa mo nalang ang kausapin mo tungkol dito!"
Pagmamaktol nya sa aking harapan.
"Alam mo kahit pa sabihin ko toh kay Papa hindi naman nya toh gagawin"
"Hysss Sige kakain muna ako bago pa ako mamatay sa gutom"
Abay nagawa mo pang kumain samantalang ako isip ng isip kung pano ililigtas si Raiko. Tumayo si Dexter sa kanyang kinauupuan at dumiretsyo sa kusina. Binuksan nya ang munting aparado doon at nanghahalungkay ng mga makakain.
"Maddie Magluluto ako ng Noodles gusto mo ba?"
Takte ka idadamay mo pa ako sa katakawan mo sa katawan pwes bahala ka dyan.
"Hyss pagkatapos ng lahat-lahat ng ginawa ko pagsagot lang sa tanong ko dimo pa masagot"
Sige bulong lang kala mo diko naririnig mga pinagsasabi mo baka batukan kita. Inaantok na talaga ako sa mga oras na ito parang isang saglit nalang babagsak na ako. Buti nalang at lumapit tong si Dexter nabuhayan ulit ako ng diwa.
"Ayoko ng Noodles"
Sagot kong walang gana habang hawi-hawi ang buhok ko.
"Di toh tungkol sa Noodles...."
"Eh Ano?"
"May nabanggit kase sa akin ang Papa mo noon ilang buwan narin ang nakalipas, Nabanggit nya na....."
Pinutol nya ang kanyang pagsasalita gamit ang nagugulahang tono nya.
"Na?"
"Binase daw nya sa ginawa mong kwento dati ang kwento ng W"
"Hah? Anong sinasabi mo?"
"Hindi mo naba matandaan?"
Napaisip tuloy ako sa sinabi nya pero wala akong naalala sa mga sinasabi nitong lalakeng toh.
"Hinde ko alam ang sinasabi mo?"
BINABASA MO ANG
W - Two Worlds
FantasyMagkaron kaya ng happy ending ang isang love story na nabuo sa isang Fantasy World? na kung saan nahahati sila sa dalawang mundo na walang nakakaalam kung kaylan ito magtatapos.