Magkaron kaya ng happy ending ang isang love story na nabuo sa isang Fantasy World? na kung saan nahahati sila sa dalawang mundo na walang nakakaalam kung kaylan ito magtatapos.
Hindi ko lubos maintindihan ang nangyari. Hindi naman kase dapat nangyayari ang lahat ng ito, Di ko maisip kung bakit ako nagdurugo o nasugatan. Naalala ko ang pangyayari dati na binaril ako ni Raiko pero hindi naman ako namatay? Pero bakit ngayon nasugatan ako dahil sa kutsilyo? Ano nangyayari!?
Tama nga si Raiko Hindi natin alam ang mga pwedeng mangyari kaya dapat lagi tayong handa. Ngayon sa pagbabalik ko sa Webtoon isa na akong ganap na mortal gaya ni Raiko ano mang oras ngayon ay pwede na akong patayin ng Killer.
Samantala nandito ngayon ako sa kwarto, pinagmamasdan ang nagdudugo kong daliri. Lumabas ako ng kwarto at tumambad sa akin si Dexter na mahimbing na natutulog sa sala. Hindi ko na sya inistorbo dahil masarap ang kanyang tulog. Kumuha ako ng First Aid Kit at nilagyan ng Band Aid ang sugat ko. Binuksan ko ang Computer at tumambad sa aking bagong episode ng W. Nakita ko lahat ng pangyayari sa perspective ni Raiko. Nakausap nya rin pala ang killer habang natutulog ako sa kwarto.
Nagulat din ako ng makita ko ng may tama ng baril ang aking Noo sa webtoon halos kumawala ang kaluluwa ko sa nakita ko. Napaka bilis din ng tibok ng puso ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sinubukan kong tawagan si Papa pero hindi ko matawagan dahil naka patay yata ang phone nya. Hindi parin ata sya umuuwi galing vacation. "Papa Please, Kailangannaminangtulong mo"
~*~
Raiko POV
Sa Kanyang paglisan hindi ako mapakali. Hanggang ngayon kase ay iniisip ko parin sya. Nagaalala ako sa pwedeng mangyari sa kanya sa pagbabalik nya sa webtoon. Bumalik ako sa kwarto ni Maddie at nakita ko don ang libro na mga gusto nyang gawin naming dalawa pero natatakot ako na baka hindi na namin magawa yun.
Sa Gitna ng aking pagiisip tumawag si Cindy, Sinagot ko agad ang tawag nya nagbabakasakaling may sabihing matino ang babaeng toh. "Napatawagka?" wala sa mood kong tanong. "Bakitmasama bang tumawagako?" Tugon nya. "Ayy Oongapalanandyanung Maddie mo! baka maabala ko kayo!" Malungkot nyang sabi.
Kakaiba ang boses ni Cindy diko gaano maintindihan mga sinasabi nya at muka syang bangag. "Lasing kaba?" unti unti akong naka rinig ng paghikbi sa kabilang linya, halata ang pag iyak nya. "Si Maddie? Magkatabi na kayo natutuloghindi ba? Hindi parinkaseakomakapaniwala na kinasal kana" Hindi ako makasagot sa mga sinasabi nya, alam kong nasasaktan sya at may gusto sya sa akin pero wala naman akong magagawa dahil Mahal ko si Maddie, Pero hindi ko naman intensyon na masaktan sya this way. "Wag kamagalalaRaiko, Naiintindihan ko naman eh, Ang masama lang nitoumaasaako na pagdatingsadulo ay magigingtayo pero hindipalaumasa lang ako sawalaangtangatanga ko diba?" umiiyak nyang sagot sa kabilang linya. "Sabihin mo ngasa akin Raiko? May halagapabaakosayo? Ano ba akosayo?" tanong nya. Diko alam sasagot ko sa kanya siguro lasing lang sya talaga kaya nya nasasabi lahat yan. Pero ano nga ba talaga sya sa buhay ko? Meron ba?