Maddie POV
Kasalukuyan akong nakaupo sa gilid ng salamin ng Bus pinapanood ang malulungkot na patak ng ulan. Balak daw akong ilipat sa Jungbu Police Station kaya hinahanda ko na ang aking sarili. Sa gitna na mahabang biyahe huminto ang bus na sinasakyan ko sa di malamang dahilan. Narinig kong bumukas ang pinto ng Bus at may pinapasok na lalake ang mga pulis. Nagulat ang aking mga mata sa nakita ko, bumilis din ang tibok ng aking puso. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang aking sarili matapos makita ang lalakeng ito.
"Kamusta kana?"
Bungad kong saad matapos syang umupo sa aking tabi, Di nya sinagot ang aking tanong at nanatili lang tahimik.
"Pano....."
"Pano ka naka ligtas? May napadaan lang naman kaseng Police Boat sa tulay ng Han River nakita ka nilang tumalon at agad ka nilang nailigtas"
Masaya kong tugon habang pinapaliwanag ang lahat ng pangyayari.
"Kamusta naman ang Papa mo?"
"Ayos lang sya, Sa totoo lang 2 buwan narin ang nakalipas. Nagpagaling sya at nagbakasyon"
"Alam kong hindi ang Papa mo ang nagligtas sa akin"
"Hinde nga sya kundi ako"
Malumanay kong pagsasalaysay sa kanya. Pero pansin ko ang siryoso nyang mukang naka tingin sa akin.
"At kung tutuusin eto na ang pangatlong beses na niligtas ko ang buhay mo"
Nakangiti kong sabi sa kanyang siryosong muka. Pakiramdam ko tuloy hindi sya natutuwa sa aking ginawa.
"Pano mo ako nagawang iligtas?"
"Gusto mong malaman? Sagutin mo muna tanong ko"
Nagbibiro kong sagot sa kanya kahit pa siryosong siryoso sya sa tanong nya sa akin.
BINABASA MO ANG
W - Two Worlds
FantasyMagkaron kaya ng happy ending ang isang love story na nabuo sa isang Fantasy World? na kung saan nahahati sila sa dalawang mundo na walang nakakaalam kung kaylan ito magtatapos.