Chapter 23

126 14 3
                                    

"Hah? Ano naman po ang kailangan nila?"

~ FlashBack ~

"Sir nakita po namin ito sa rooftop ng hotel kaya mukang isa din itong ebidensya pero hindi na namin po tinuloy ang pagimbistiga, dinala po namin ito dahil baka sakaling kailangan nyo"

Saad ng isang police.

~ End Of FlashBack ~

"Mukang pumunta ang mga pulis sa Hotel at inisip nila itong isang ebidensya, binalik nila ito dahil sinarado na nila ang kaso"

"T-Talaga po? H-Hindi ko po alam...."

Nauutal kong saad.

"Simula nang maka labas ako sa Hospital parang gusto ko syang buhayin ulit dahil nagkamali ako sa kanya hindi nya dapat ako babarilin pero ginalit ko sya, nagkamali ako...."

Halata sa muka at mata nya ang lungkot at pagsisisi kaya hindi ko rin maiwasang malungkot din.

"Isang gabi habang wala ka babaguhin ko sana ang katapusan ng W dahil na-aawa ako sa kanya pinilit kong baguhin pero ayaw mabura ng salitang Wakas sa kwento at naisip ko rin na napaka buti nyang tao kahit isa lang syang webtoon character"

"B-Bakit ayaw po mabura?"

"Dahil siguro ginusto nyang tapusin na ang kwento pero isa lang ang sigurado ko hindi natin kaya ibalik ang nakaraan at ang aking pagguhit ay wala ng silbe kaylan man"

"Naiintindihan ko po......"

"Yun din ang dahil kung bakit hindi na ako nagdro-drawing at hindi na din ako nagdro-drawing para sayo, alam mo ba kung bakit pabalik-balik ka sa webtoon?"

"Hindi po......"

"Ngayon alam ko na kung bakit dahil isa kana sa mga character ng webtoon o sa madaling salita isa kanang bida at isa pang dahilan kung bakit hindi na ako gumuguhit dahil ayokong nakikita kitang nasasaktan o nahihirapan dahil mahal ka ng Papa at Mama mo at ng buong pamilya mo sana maintindihan mo"

"Opo....."

Matapos maghapunan natulog na si Papa at ako naman ay nagliligpit ng mga plato upang hugasan.

"Pero yun naba talaga ang totoong katapusan nito? Nahanap kaya ni Cindy ang katawan nya at nabigyan ng tamang libing o kaya naman nandoon parin sya sa ilalim ng malamig na tubig nag iisa at naghahantay ng magliligtas sa kanya"

Malungkot kong saad sa aking isipan.

_

~ 2 months later ~

"May oras pa tayo bumili muna tayo ng kape"

Saad ng kaibigan ni Mister Oh.

"Oh sige bumili ka basta wag kang magrereklamo sa pila hah"

Nagpatuloy sa paglalakad si Mister Oh ng may tumawag sa Cellphone nya.

"Nasa Airport na kami paalis na"

"Mag iingat ka Papa hah tumawag ka po agad kapag nandoon kana at 12 hours po ata ang flight hindi po ba? Teka wag kang iinom ng alak kahit isang higop lang dahil tatawagan ko po ang mga kaibigan nyo upang kamustahin ka at wag nyo rin pong kakalimutang inumin yung mga gamot nyo, sige na po Papa I love you ingat ka hah wag mong kakalimutan yung mga sinabi ko sayo"

"I love you too din anak"

Binaba ko ang tawag kay Papa at hindi ko pala napansin na nandito pala si Professor Park.

"P-Professor Park nandyan pala kayo"

"Aalis ba ang Papa mo?"

"Pupunta po sya NewZealand"

"Mukang mahabang flight yon? Makakasama ito sa kanya"

Nakakunot ang noo nya at nakatitig sa akin ng seryoso.

"Hindi ko napo sya mapipigilan pero hindi naman po sya pupunta don para magsaya pupunta po sya don para magpahinga at don din po nakatira ang mga kaibigan"

"Naiintindihan ko pero siguro dapat banlawan mo yang buhok mo"

"Hah?"

"Ano ba isusuot mo ngayon?"

"Ano po ginagawa nyo?"

"Halika lalabas tayo"

"Lalabas? Ok lang po ako at hindi parin po ako nagugutom"

"Basta mag handa ka sa sarili mo"

Sabay labas nya ng kwarto.

"Ano naman kaya problema ni Professor Park?"

Pagkaayos ko ng sarili ko hindi ko aakalain dadalhin nya ako para sa isang BLIND DATE!???

"Hindi nyo naman po ako sinabihan na blind date ito"

"Shhhh..... Ihanda mo nalang ang sarili mo"

"Hay....."

"Wala kang Boyfriend at tingnan mo nga ang mga nasa paligid mo sabihin mo nga kung wala silang Boyfriend? Sa tingin ko ikaw lang walang Boyfriend"

"Hay.... Bakit ko ba kase binanlawan ang buhok ko at kaylan man kase hindi ko toh binabanlawan"

"Tumigil kana nga, umupo kana"

"Ok....."

Umupo ako at nilapag ang bag ko sa kabilang upuan.

"Gano kana katagal na hindi nakapag blind date?"

"Blind date?"

"Yes"

"Mga anim na buwan po siguro"

"Tingnan mo nga"

"Pero Sir hindi ko napo kailangan nito"

"Oh ayan na pala sya"

Napatingin agad ako sa aking likuran at sa aking paglingon tumambad sa akin ang napaka gwapong lalake na pababa ng hagdan kaya nalaglag ang panga ko.

Napatingin agad ako sa aking likuran at sa aking paglingon tumambad sa akin ang napaka gwapong lalake na pababa ng hagdan kaya nalaglag ang panga ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"A-Ang Gwapo....."

Bulong ko sa sarili ko.

To be continue.....

W - Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon