Ang nakaraan....
Si Raiko ay isang normal na binata ngunit isa lang webtoon character na nanalo ng Gold Asia Olympics ng 2001 at napag bintangang pumatay sa kanyang pamilya, hinatulan sya ng tatlong taon na pagkakakulong at naka laya at nagsimula ulit ng bagong buhay.
Si Maddie ay isang Doctor ang kanyang Ama ay isang Author ng sikat na webtoon series na W, Si Maddie ay aksidenteng napasok sa loob ng webtoon at syang nagligtas sa buhay ni Raiko at ngayon sinasabi nya na si Maddie ang susi ng kanyang buhay simula non pabalik balik na sya sa webtoon.
____
"Nabalitaan ko ang nangyari"
Sabi ni Cindy sa tawag.
"Baka magagalit ka na naman"
"Maganda ba sya kaya mo sya hinalikan!?"
"Misunderstanding lang yon sige mag usap nalang tayo mamaya"
Sabay patay nya tawag.
"Lagi nalang nya akong pinapatayan ng tawag! Bwiset!"
Kinuha ni Mister Oh ang tablet at nag simula mag drawing.
"Sisiguraduhing kong mamamatay kana"
Pagkababa ng tawag laking gulat nya na may isang rumaragasang truck na papunta sa kanyang dereksyon.
Napansin nya na wala itong plate number at driver na lubos nyang pinagtaka pero sa kabilang banda binaling nya ang kotse.
Sa pagkakataong ito lahat ng pangyayari ay kagagawan ni Mister Oh dahil drinowing nya na si Raiko ay babangga sa truck at mamatay.
Sa kalagitnaan ng kanyang pag drawing naka ramdam sya ng pagkauhaw at saglit tumigil sa pag guhit at uminom ng alak.
Napa pikit nalang sya ng malapit na syang bumangga, Ng imulat nya ang kanyang mga mata nakita nya ang kanyang buong paligid ay naka hinto maliban sa kanya.
"A-Anong nangyayari??"
Upang mapatuloy ang nawalang oras at maligtas ang sarili patuloy nyang binaling ang kotse hanggang naka iwas sya.
Habang nasa kalagitnaan ng paginom si Mister Oh laking gulat nya ng biglang nabura ang kanyang ginuhit.
Pinilit nyang iguhit ito ulit ngunit ayaw na itong gumana.
"Napaka halimaw mo talaga"
Bumalik ang oras sa mundo ni Raiko at agad naman syang bumaba sa kanyang kotse at tumingin sa langit.
"Sino ka?"
Tanong nya habang naka tingin sa kalangitan, Ang salitang ito ay lumabas sa tablet ni Mister Oh na lubos nyang kinakaba.
Dahil sa kanyang pagkatakot binasag nya ang tablet hanggang hindi na ito makilala.
"Matapos na sana ang kadimonyohan mo!"
Iniwan nya ang tablet sa kwarto at hindi na bumalik pa.
____
"Dexter nasaan si Papa?"
Bungad kong sabi pagbukas ng pintuan.
BINABASA MO ANG
W - Two Worlds
FantasiMagkaron kaya ng happy ending ang isang love story na nabuo sa isang Fantasy World? na kung saan nahahati sila sa dalawang mundo na walang nakakaalam kung kaylan ito magtatapos.