Chapter 31

92 8 16
                                    

Maddie POV

Ilang minuto ang lumipas ng iwan ako ni Raiko sa loob ng banyo. Nanatili ako walang imik habang naka upo sa sofa at hinihintay ang kanyang muling pag pasok sa banyo. Maya maya narinig kong bumukas ang pinto at nuluwal nito si Raiko. Napa tingin ako sa kanang kamay nya at nakita ko ang isang libro.

"Ano yan?"

Hindi sya sumagot sa aking tanong sa halip umupo sya sa tabi ko at pinatalikod ako.

"Ano ginagawa mo?"

Tanong kong muli na sinuklian nya ng matamis na ngiti.

"Pinag aralan ko dito sa libro na ito kung pano pangitiin ang isang babae sa isang simpleng paraan lang"

Binuklat nya ang libro sa unang pahina at pinatong nya ito sa handle ng Sofa.

"Sabi dito itali ko daw ang buhok mo"

Hinawakan nya ang buhok ko at bahagyang tinaas.

"Itatali mo talaga?"

"Oo, gagawin ko lahat para sumaya ka"

Sa lahat siguro ng lalaking nakakasalamuha ko sa mundo namin hindi ako magawang talian kaya lubos ang mga ngiti ng aking labi sa kanyang ginagawa. Pansin ko rin na nag eenjoy din sya.

 Pansin ko rin na nag eenjoy din sya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pinag aralan mo talaga ito?"

"Pinilit kong aralin kase hindi ko talaga alam, pano naman kase may isang babae dito na niningil ng utang"

Napangiti nalang ako sa sinasabi nya habang sya pinagpapatuloy ang pag pusod ng buhok ko.

"Sweet naba talaga ito sayo?"

Tanong nya sa akin na bahagya syang napatigil sa pagtatali.

"Ano kaba ang sweet-sweet kaya nito"

Masaya kong tugon sa kanya na sinuklian naman nya ng ngiti.

"Oh ayan tapos"

W - Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon