A/N - 😔Sorry kung hindi ako nakapag update nawalan kami ng Wifi ng isang linggo, wag kayong magalala mag uupdate na ako😃 now pls read nyo rin yung lets fight ghost maganda rin po ang kwento non promise😋.
______________________________________
Maddie Point Of You
Lumilipad parin ang isip ko ng papunta kami ron hindi ko alam kung bakit unti unting sumisikip ang aking dibdib siguro ng malaman ko na si Raiko pero malakas ang pakiramdam ko na hindi sya yon.
"Kung si Raiko talaga yon?"
Tanong ni Dexter na hindi mapakali. Hindi ako maka sagot dahil patuloy parin ang paglipad ng aking isip.
"Sinabi ko sa kanila na tawagan ako pag may nakita sila pero kahit pa si Raiko yon hindi parin natin pwede kunin ang katawan nya at isa pa ano ang sasagot natin kung tanongin tayo nila kung sino sya? Siguro dapat pabayaan nalang natin ito dahil hindi naman din natin mabuburol sya"
Hindi ko sinagot ang mga tanong nya sa halip nagbuntong hininga nalang ako. Hindi rin nagtagal nakarating na kami tumambad sa amin ang isang katawan na natatakpan ng puting kumot.
"Didiretsyohin ko na kayo nabubulok na ang katawan na ito kaya posibleng hindi nyo napo ito makilala at baka hindi nyo rin po kayanin"
Sabi ng pulis sa amin.
"Isa akong Doctor ipakita nyo sa akin"
"Sige po"
Binuksan nya ang punting kumot at tumambad sa amin ang nabubulok na katawan. Halos masuka si Dexter ng makita nya ito kaya napabaling sya ng tingin.
"Pwede nyo pong tingnan ang damit nya kung ito po ang suot nya"
Napatingin ako sa kamay nya napansin kong wala itong suot na singsing.
"Hindi sya toh, hindi ako nagkakamali may suot syang sing-sing"
"Sigurado po ba kayo na may suot syang sing-sing?"
"Hindi ito ang taong hinahanap namin sigurado ako"
Kinagabihan naghapunan na kami ni Papa ng maka uwi ako
"Hindi kaba kakain?"
"Wala po akong gana siguro kakain nalang po ako pagnagutom ako"
"Dapat lagi kang kumakain wag kang magpapalipas ng gutom"
"Alam ko naman po yon pero naka gawian ko napo yon simula ng nagtrabaho ako sa Hospital"
"Saan nga pala kayo pumunta ni Dexter kaninang umaga? Alam kong nagsinungaling ka ng sinabi mo na bibili lang kayo sa grocery"
"Tumawag po ang mga pulis dahil may nakita daw po silang nalunod na bangkay pero hindi sya yon"
Malungkot kong sahad sa harapan ni Papa.
"Kung hanapin po natin sya?"
Wala sa sarili kong tanong.
"Halos 2 months na ng mawala sya, pero sa tingin ko bumalik sya sa webtoon ng mamatay sya, ano po sa tingin nyo?"
Wala paring imik si Papa habang nagsasalita ako.
"Galing syang webtoon kaya pwede rin syang maka balik doon"
"Siguro nga pero hindi rin ako sigurado"
"May gusto po akong itanong sayo Papa"
Kumunot ang noo nya at tumingin sa akin.
"Kung hindi pa po ito ang ending ng webtoon ano po ang susunod na mangyayari? Posibleng magpatuloy parin ang kwento? O kaya naman po matatapos ang kwento nito kapag nasa huli na ng pahina?"
"Maddie ibigmong sabihin gusto mo akong gumuhit pa at ibalik ang buhay ni Raiko kagaya ng ibang tao?"
"Hindi po yon ang ibig kong sabihin wala ka naman pong rason para mag drawing pa"
"Pano mo naman na sabi na wala akong rason para gawin yon at nga pala pumunta dito ang mga pulis nung isa linggo para kamustahin ako at hindi ka parin nakakauwi non"
"Hah? Ano naman po ang kailangan nila?"
To be continue.....
BINABASA MO ANG
W - Two Worlds
FantasyMagkaron kaya ng happy ending ang isang love story na nabuo sa isang Fantasy World? na kung saan nahahati sila sa dalawang mundo na walang nakakaalam kung kaylan ito magtatapos.