Chapter 19

108 13 12
                                    

Ang nakaraan......

Lumabas na si Raiko mula sa webtoon simula ng sya ay maka labas may mga bagay na nabunyag na hindi natin inaasahan dahil sa labis na katotohanan na ito binaril ni Raiko si Mister Oh.

______________________________________

Ng mabiril si Mister Oh iniwan nya itong naka handusay sa sahig at walang malay.

Paglabas nya ng bahay tumambad sa kanya si Dexter na naka dapa sa may damuhan.

"Tumawag ka ng ambulansya, maswerte sya mabubuhay pa sya"

Sabi ni Raiko habang papalabas sa gate.

"Mister Oh? Mister Oh!"

Sabi nya habang papasok sa loob ng bahay.

Maya maya sa aking pagdating naka kalat na ang mga pulis at mga ambulansya sa paligid ng bahay ni Papa kaya napa takbo nalang ako papasok at nakita ang katawan ni Papa sa sahig.

"P-Papa?"

Lumapit ako sa kanya at nayakap sya.

"Papa!!!"

___

"Hay nako wala talagang pake alam itong si Maddie sa mga gamit nya lagi nalang naka kalat! Hay...."

Sabi ng Mama ni Maddie habang nililigpit ang mga gamit na sabog sabog sa kwarto.

Maya maya may tumawag sa cellphone.

"Paki sagot ang tawag!"

Sinagot ng tita ni Maddie ang tawag.

"Sige,Hello?"

"Ito po ba ang cellphone ng Mama ni Maddie?"

"Opo ito nga, sino po sila?"

"Si Dexter po ito"

"Bakit ka napatawag iho?"

"Si Mister Oh po nabaril at kasalukuyang sinugod sa Hospital ni Maddie"

"Ano nabaril!? Sige tatawag nalang ako ulit"

*End call*

"Sino yon?"

"Si Dexter na nagtratrabaho kay Jando"

"Bakit naman sya tumawag?"

"Si Jando kase nasa kritikal na kalagayan at dinila sya sa Hospital ni Maddie"

"B-Bakit???"

"Binaril sya....."

Samantala nasa ambulansya na si Mister Oh at dinadala na papuntang hospital.

"Papa malapit na tayo wag kang susuko......"

Maya maya ng sa Hospital na kami unting unti humihina ang pag tibok ng puso nya kaya lalo na akong nataranta.

W - Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon