"Raiko anong ginawa mo sa kanya!?"
Tanong ni Cindy.
"Dave tawagan mo ang Private Nurse ko ulit"
"Masusunod po Mister Kang"
Sabay alis ni Dave.
"Wag mong sabihin sa akin na binaril mo sya!?"
"Hindi ko sya binaril, gusto ko lang syang takutin"
"Haysss"
Sabay walk ni Cindy.
Hiniga nya sa kama si Maddie at bumalik saglit sa banyo at nakita nya ang bala na binaril nya kay Maddie na naka ipit sa gitna ng salamin.
"Sinasabi ko na nga ba"
Maya maya nag impake si Raiko ng kanyang mga gamit upang umalis.
"Saan ka pupunta?"
Tanong ni Cindy
"May meeting ako sa Busan at sa U.S kaya mawawala ako ng mga ilang araw"
"Ganon ba... Alam mo Raiko hindi mo kilala yang si Maddie Oh kaya wag ka basta basta mag titiwala sa kanya kahit pa niligtas nya ang buhay mo at mabuti pa tumawag na tayo ng pulis"
Patawag na sya ng biglang hablutin ni Raiko ang Cellphone.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi sya pwedeng makilala ng kung sino man lalo na ng mga otoridad"
Kinuha nya ang mga na impakeng gamit at iniwan si Cindy at saglit binisita sa kwarto si Maddie.
"Akala mo ba Maddie Oh maiisahan mo ako katulad na paglalaro mo kay Raiko ibahin mo ako"
Pag pasok ni Raiko nakita nyang may malay na si Maddie habang naka higa sa kama.
"Sir tapos ko na po syang i-check up ma-una na po ako"
"Sige"
Lumapit si Raiko kay Maddie at kinausap sya.
"Galit kaba sa akin? Sa ginawa ko kanina?"
"Sinong tao ang hindi magagalit o matatakot sa ginawa mo kanina"
"Pasensya na sa ginawa ko"
Sabay hawak nya sa kamay ko
"Pinapatawad na kita"
Dumating si Dave at lumapit sa amin.
"Ayos na-po ang lahat pwede na po tayong umalis"
"Ibibigay ko toh sayo tumawag ka pag may emergency"
"Sige"
Paalis na sana si Raiko at sa di inaasahan pumasok sa loob ko ang inaasam na maka balik na, kaya baka pag ginawa ko yon baka maka balik ako.
BINABASA MO ANG
W - Two Worlds
FantasyMagkaron kaya ng happy ending ang isang love story na nabuo sa isang Fantasy World? na kung saan nahahati sila sa dalawang mundo na walang nakakaalam kung kaylan ito magtatapos.