"Ano po yon?"
"Tungkol ito sa W, may bagong release kase na episode, nagtataka kami kung sino ang nagpost nito at nakaka-sigurado ako na hindi ito si Mister Oh pero ang pag guhit nito ay parang sya parin at isa pa kakaiba ang mga nilalaman nito"
"K-Kaylan po ito ni release?"
Nauutal kong tugon.
"Ngayong umaga lang, kakakita ko lang nito kanina pero hindi pa naman ito nilalabas sa Internet, paguusapan muna namin ito dahil baka magkaroon ng usap usapan"
"Pwede ko po bang makita?"
Agad kong binuksan ang computer at tiningnan ang bagong release na episode nakita ko dito ang paglabas ni Raiko mula sa webtoon ang pag halik nya sa akin at pag baril nya kay Papa.
____
Naglalakad si Raiko sa isang madilim na kalsada na may ilang ilaw hindi mawala sa isip nya ang ginawa nya.
Tinapon nya ang baril sa may basurahan.
At tiningnan ito na may halong galit at pagsisisi.
Nagsimulang umulan at nagpatuloy sya sa paglalakad hanggang naka kita sya ng isang poster sa may tabi ng isang store.
Pumasok sya sa store at kumuha ng papel at nagsulat ng liham pagkatapos maisulat tiniklop nya ito at nilagay sa labas ng papel ang pangalan ni Maddie.
BINABASA MO ANG
W - Two Worlds
FantasíaMagkaron kaya ng happy ending ang isang love story na nabuo sa isang Fantasy World? na kung saan nahahati sila sa dalawang mundo na walang nakakaalam kung kaylan ito magtatapos.