CAPTAIN CLEM CYPRESS RICARTE
__________________
Riiiiiingggggggg ....
"Hello? ...Oh sige-sige pupunta na ko dyan". Tumayo ako mula sa couch. Binalik ko kaagad sa kahon ang break game na hawak ko. Buti na nga lang, nakabihis na ako bago pa siya tumawag. Nakaripped jeans ako. Nakav-neck white t-shirt. Nakanike shoes. Nakasling bag na kulay itim at nakacap na maroon na merong desenyong P.
Papalabas na ako ng condo ko. Kinuha ko ang earbuds sa bulsa ko't isinalpak sa tenga ko. Maglalakad lang ako dahil malapit lang naman ang restaurant na pupuntahan ko.
Nag-vibrate ito.
<Iris: Asan ka na?>
Napalungo ako. Loko-loko talaga ang lalaki na 'to. Excited na makita ako. Ang tagal din kasi naming hindi nagkita. Kalahating taon rin dahil isa siyang seaman. Kakababa niya lang ng barko and he's having a vacation for four months. Kaya nga nakabihis na ko kanina kasi kinontak niya ako kagabi na magkikita kami ngayon.
<Ako: Malapit na ko babe <3>
I bit my lower lip. Dali-dali akong tumakbo papuntang Easy Coffee Shop. Ang shop na pinupuntahan namin sa tuwing umuuwi siya galing ibang bansa. Kumbaga, tagpuan naming dalawa.
Pagkabukas ko ng pinto'y halos lahat ng mga tao, nagsusupervise man, nagtatrabaho o mga customers ay napatingin sa'kin.
Hingal na hingal ako habang hawak ko ang pahigang hawakan ng cystal door. Hinanap siya ng aking paningin at nang makita ko siya ay dahan-dahan akong ngumiti habang kinukuha ko ang earbuds sa tenga ko.
Tumakbo ako papunta sa kanya't ikinulong siya sa mga bisig ko.
"I miss you babe". Masayang-masaya ako. Lumulundag ang puso ko. Biglaan lang kasi ang uwi niya kaya hindi ako naging handa. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Flowers Bloom (Completed)
FanfictionKailan ba kita makikita ulet? Pinipilit kong kalimutan ka pero naging bahagi ka pa rin ng buhay ko. Naging malawak ang espasyo mo dito sa puso ko. Isang kang nakaraan na kahit na anong pigil ko ay hindi ka nawawala dito sa isipan ko lalo na sa puso...