Flowers Forty-six: Behind All Lies

128 6 8
                                    

CLEM CYPRESS RICARTE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CLEM CYPRESS RICARTE





________________________________________

What is the main reason of behind all lies?

_______________________________________








William's POV


Pagkatapos naming mag-ayos nina Louie at Lexie sa abandonadong slaughter house ay binabaybay na namin ngayon ang daan patungo sa bahay nina Ren. Napagplanohan naming maghanap nang mga ebidensyang magpapatunay na walang Turnover Ceremony na mangyayari.


"William sigurado ka ba na papunta tayo ngayon sa bahay ng pinsan mo?". Si Lexie na nagtanong. Nakaupo siya sa passenger seat samantalang si Louie ay nasa backseat. "minsan mo na akong dinala sa lugar nila dahil nagmanman tayo at hindi 'to ang way"


"Papunta 'tong way sa bahay nina Tita Zinnia"


"Tita Zinnia?". Napatingin ako kay Louie sa rear-view mirror. Nagtataka siya sa sinabi ko. Papunta naman talaga kami kina Tita Zinnia. "boss did you forget the name of Ren's mother? Your Tita Zinnia is Peony's mother"


Nagulat ako't humigpit ang paghawak ko sa manibela. 


Itinabi ko kaagad ang kotse. Tumingin ako kay Lexie at tsaka kay Louie sa rear-view mirror.


"Mukhang madalas na ang pagiging makakalimutin mo". At inabot ni Lexie ang kanang balikat ko. Inub-ob ko ang ulo ko sa manibela't napahampas ako sa inis ko sa sarili ko. "everything will be okay William"


Inabante ko na ang gear shift. Dumiretso na talaga kami sa bahay nina Ren. Hindi ko inasahan na ngayon pa ulet bumalik ang simtomas nang pagiging makakalimutin ko. Hindi ko na nga maalala kung kailan nagsimula ang pesteng 'to.

Flowers Bloom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon