Flowers Four: Sunset Date

318 6 9
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


PEONY LISHIAN CATAPANG



___________________




Clem's POV


Habang nasa loob kami ng kotse ay nag-aantay kami ni Aster kay Austin sa tapat ng Saint Lucas.


"Bok ang tagal naman ng Reyes na yun. Limang minuto lang ang binigay natin sa kanya e"


"Babalik yun". At tinignan ko ang wristwatch ko subalit nagulat kami ng bumungad siya sa harap ng kotse. Dali-dali siyang pumasok sa loob.


"Austin!". Panggigigil ni Aster sa kanya.


"Sorry po mga boss. Okay po ang misyon natin. Masaya po siya kanina"


"Oh hayan naman pala e so ali---". Sinamaan ko ng tingin si Aster kaya natahimik siya.


"Sigurado ka ba?". Tanong ko habang nakalingon ako sa kanya at nakahawak sa manibela.


"O-opo boss"


"Good. Tumatawag na si SpO1 Cruz. Punta na tayo sa isa pa nating misyon"


Matulin kong pinatakbo ang kotse at habang ako ang nagmamaneho ay kinuha ko ang phone ko. Iteteks ko si Peony.


"Captain bawal yan". Tinignan ko lang si Aster. "hay! Ang tigas ng ulo"


"Oh!". Inabot ko sa kanya ang phone ko. Nagtaka siya sa ginawa ko. "pakiteks si Peony kung nagustuhan niya baa ng rosas na binigay ko"


"Masaya nga siya 'di ba?". At nilingon niya si Austin. Tinignan ko sa rear-view mirror ang isang myembro ng Kwento Gang. Tanging mata niya lang ang gumagalaw. Tumitingin sa'kin at tsaka kay Aster. "hindi ba?"


"M-mas maigi po na iteks siya boss"


"Oh siya siya. Iteteks ko na ang Peony mo. Anong iteteks ko?"


"Iteks mo kung nagustuhan niya"


Inis siyang napakamot ng ulo. "Syempre nagustuhan niya. Babae yun e"

Flowers Bloom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon