CAPTAIN CLEM CYPRESS RICARTE
_______________________
Clem's POV
Pagkarating namin nina Aster at Aven sa kwarto ni lolo ay nadatnan namin na inaasikaso ni Fuschia si general. Napangiti ako dahil nag-uusap silang dalawa.
"Apo". Pagkalingon ni Fuschia ay sobra siyang nagulat. Nilingon ko si Aster subalit umiwas siya ng tingin.
Nilapitan ko siya at binulungan. "Nagiguilty ka lang sa ginawa mo kay Ate Evelyn pero alam kong gusto mo si Fuschia"
"H-hindi no". Kunot-noong tugon niya. Tumingin ako kay Aven. He looks wondering. "umayos ka nga"
"Mabuti apo". Napalingon ako kay lolo dahil sa sinabi niya. I smiled. "at dinalaw mo muna ako"
"Kakagaling lang po namin ni Aster sa Camp Aguinaldo lo at kung nagtataka po kayo kung bakit kami puyat ay dahil nag-inuman po kami sa kampo dahil birthday ni Sage"
"Hindi ba't sinabihan kayo ni Vine lalo ka na Aster na 'wag kayong magpupuyat. Ang titigas ng ulo niyo"
"At least po ay nandito na kami". Natatawa kong sabi subalit nang maging seryoso ang mukha ni general ay nag-clear throat ako kunwari. "ang sakit pala ng lalamunan ko"
"This is your second chance Captain Cypress"
Tumindig ako at, "Sir yes sir".
"Bago po namin gawin ang pinagagawa ni Sir Vine general ay dinaanan muna namin kayo pero bakit ilang linggo na po kayo rito?". Tanong ni Aster subalit nagtaka ako dahil may ininject si Aven kay lolo.
"Nagkapneumonia po si general". Sagot ni Fuschia.
"Wag kang mag-alala apo malakas pa si lolo"
"Basta pagaling kayo general". Ningitian ni Aster si lolo sabay na sinulyapan si Fuschia.
BINABASA MO ANG
Flowers Bloom (Completed)
FanfictionKailan ba kita makikita ulet? Pinipilit kong kalimutan ka pero naging bahagi ka pa rin ng buhay ko. Naging malawak ang espasyo mo dito sa puso ko. Isang kang nakaraan na kahit na anong pigil ko ay hindi ka nawawala dito sa isipan ko lalo na sa puso...