PEONY LISHIAN CATAPANG
________________________________________________
Sino nga ba talaga si Calen?
Sino ang buhay?
Sino ang magbabago?
Sino ang magkakagulo?
Sino ang magtutunggali?
Sino ang i-hohostage para sa karapatan?
_________________________________________________
Peony's POV
Sabi ni Tito Willard ay mga two months ngayong araw ang symposium. Ang ibig sabihin lang ay makakapaghanda kami ng matagal ng mga ka-team ko.
Nandito kami ngayong lahat sa cafeteria. We are remembering all the things happened in Camp Osito Bahian.
Bigla na lang tatawa tapos malulungkot tapos balik na naman sa halakhakan tapos madidismaya maliban na lang kay William na kanina pa tahimik. Nilalaro niya lang ang bottled water na hawak niya. Magkatabi nga kaming dalawa pero hindi niya naman ako pinapansin.
Tumayo siya sabay sabing, "Excuse me lang". Naagaw niya ang atensyon naming lahat. "I need to go to the cr"
Pagkaalis niya'y bigla na lang siya ang naging topic namin dahil sinimulan ni Fuschia.
"Bes simula nang bumalik tayo rito ay tahimik na siya. May nangyari ba bago ka bumalik dito sa Maynila?"
"Wala Elaine". I lied. Sigurado ako na tungkol sa ginawa kong pagdawit sa pangalan niya para paselosin ko kunwari si Clem.
"Nurse Peony ang tahimik nga po ni Doc William nang umalis kayo". Si Elm.
"Napansin din namin na hindi siya pinapansin ni Clem". Dagdag pa ni Cedar.
Napatingin ako kay Aven na mukhang alam na rin ang pinagmulan. Umupo siya ng maayos sabay sabing, "Alam niyo, may iniisip lang siguro si doc. Baka sa pasyente niya lang"
"May kakaiba e". Si Nanay Faithrose.
"Maiba nga". Si Doc Jarred na nakatalumbaba habang nakatingin sa'kin. "nakausap na namin si Lolo Anthur. Tama nga ang sinabi ni Kuya Delphin kay Clem. Napilitan lang si Ludio na patayin siya. Kung hindi lang sana tinuturukan ni mama si lolo nun ay siguro matagal ng nagkaalaman at hindi hahantong ang lahat ng 'to sa matinding awayan. Hindi rin siguro namatay sina Sage at Erian"
BINABASA MO ANG
Flowers Bloom (Completed)
FanfictionKailan ba kita makikita ulet? Pinipilit kong kalimutan ka pero naging bahagi ka pa rin ng buhay ko. Naging malawak ang espasyo mo dito sa puso ko. Isang kang nakaraan na kahit na anong pigil ko ay hindi ka nawawala dito sa isipan ko lalo na sa puso...