Flowers Eight: Tulong

187 6 7
                                    

PEONY LISHIAN CATAPANG

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PEONY LISHIAN CATAPANG




________________________


Clem's POV


Naghahakot ang mga kapwa ko sundalo ng mga karton habang sila'y nagsisikantahan at nagsisitawanan samantalang ako naman ay may hawak na papel at tsinitsek ang mga bagong equipments.


Dumating ang mga ito galing Maynila at gagamitin namin 'to sa mga rebelde.


"Iba talaga ang legs na kanta". Narinig kong sabi ni Amar kay Austin.


"Kayong dalawa tumulong pa kayo". Sabi ko habang may bitbit na rin akong karton na dadalhin ko sa gusali.


🎶 Po po po pogi naming nakakasilaw

Po po po pogi naming nakakatunaw

Po po po pogi naming nakakaaliw

Po po po pogi naming nakakalusaw

Pooooogggggii 🎶


Pagkabalik ko ay, "Isa pa!". Tawang-tawang sabi ni First Lieutenant Dooma.


🎶Po po po pogi naming nakakasilaw

Po po po pogi naming nakakatunaw 🎶


Huminto ako sa pagkanta at pagbubuhat ng karton dahil sinabihan ako ni Sage na pinatawag ako ni Major Delicana.


🎶(Po po po pogi naming nakakaaliw


Po po po pogi naming nakakalusaw) 🎶


Tumakbo ako papunta sa opisina niya. Nang makarating ako ay sumaludo ako pero hindi tumayo si Major Delicana at seryoso lang siyang nakatingin sa'kin.


Tumango lamang siya at binaba ko na ang kamay ko.


Flowers Bloom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon