CAPTAIN CLEM CYPRESS RICARTE
__________________________________________________
Sino ang heartbreaker?
Ano ang laman ng diary?
Sino ba talaga sina Clem Cyrus at Clem Cypress?
Sino ang magkikita sa birthday party?
Sino pa ang isang pamilya?
Sino pa ang isang pinsan?
Kakampi na ba talaga sila ni Clem o hindi?
__________________________________________________
Clem's POV
Kinagabihan ay dumating ang helicopter na susundo sa'kin. Labag man sana sa kalooban ko na pumunta ng Maynila subalit kailangan talaga dahil kay mama. Ayoko namang may mangyaring masama sa kanya na wala ako sa tabi niya. Kung ano man ang dahilan ng pagwawala niya ay sana hindi dahil sa'kin o kay Kuya Cypress. Dati kasi ay ganyan siya kapag naaalala niya si kuya o nakikita niya ako.
Ang dahilan kung bakit minsan hindi ako nananatili sa bahay ay ayokong makita ako ni mama. Ayokong magsisisigaw na naman siya na para bang isa akong makasalanan na tao.
Bitbit ko ngayon ang backpack ko. Pinapagitnaan ako nina Major Delicana at Aster. Kinakausap nila ako tungkol kay Mr. O dahil baka kung may oras ako ay mamanmanan ko na naman siya ulet. Napakaraming beses ko ng ginawa iyon pero kahit na ganoon ay mahirap pa ring mahuli ang daddy ni Peony.
"Kapag may oras ka manmanan mo ang tatay niya"
"Wala po bang progress major?". Tanong ko dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko na kaya pang ituloy ang misyon ko kapag inassign na sa'kin yun ulet at hindi ko pa pala nasasabi kay Peony na hindi ko na hawak iyon. Nakalimutan kong sabihin sa kanya nung nasa loob kami ng hidden room pero tutulungan ko pa rin ang Pamilya Torres hindi laban sa gobyerno kundi laban sa mga rebelde.
BINABASA MO ANG
Flowers Bloom (Completed)
FanfictionKailan ba kita makikita ulet? Pinipilit kong kalimutan ka pero naging bahagi ka pa rin ng buhay ko. Naging malawak ang espasyo mo dito sa puso ko. Isang kang nakaraan na kahit na anong pigil ko ay hindi ka nawawala dito sa isipan ko lalo na sa puso...