PEONY LISHIAN CATAPANG
_______________________________________
Ano ang mangyayari sa party night?
Ano ang gagawin nina Sage at William?
Sino ang binigyan ng chance?
May mabubuo ba?
______________________________________
Peony's POV
Pagkalabas ko ng condo ko'y bumungad kaagad sa'kin si Cyrus. I know it's him dahil sa peklat niyang nasa kanang pisngi.
He is wearing a Persol PO3091SM Sunglasses Light Havana. Ngumiti siya at tsaka kinuha ang sunglass.
"Anong ginagawa mo rito?". Sabay pamewang ko subalit natawa lang siya sa tanong ko. "nang-aasar ka ba? Sagutin mo na ang tanong ko, mag-aabang pa ako ng taxi"
"Sumabay ka na sa'kin sa kotse"
"Ayoko nga"
"Nililigawan kita 'di ba?". Hindi na ako nagsalita pa bagkos ay dumiretso na ako sa kotse niya. Pumasok ako sa loob at umupo. I cross my arms. Bwesit. "galit ka ba?". Tanong niya pagkaupo niya pero imbis na sagutin ko ang tanong niya'y inikutan ko lang siya ng mata. "nagtataray ka lang"
"Umalis na nga tayo"
"Tungkol pa rin ba 'to sa isang araw? Lish pwede mo na bang tanggapin na hindi ka na mahal ni Cypress?"
"Tapos ano? Matutuwa ka?"
"Oo". At humawak siya sa manibela. Humarap siya sa akin. "hindi ako magpapakapeke. Matutuwa talaga ako pero masasaktan ka lang kung pipilitin mo ang sarili mo kay kuya"
BINABASA MO ANG
Flowers Bloom (Completed)
FanfictionKailan ba kita makikita ulet? Pinipilit kong kalimutan ka pero naging bahagi ka pa rin ng buhay ko. Naging malawak ang espasyo mo dito sa puso ko. Isang kang nakaraan na kahit na anong pigil ko ay hindi ka nawawala dito sa isipan ko lalo na sa puso...