CAPTAIN CLEM CYPRESS RICARTE
___________________________________
Sino nga ba si Cyrus?
Ano ang totoong apelyido?
Sino pa ang dalawang pinsan?
Ano ang tinatago?
Sino ang may lihim na adhikain?
Ano ang masamang gagawin?
Sino ang traidor na patago?
Ano ang mararamdaman?
Sino sa kanila ang magpapaibig ulet sa bida?
___________________________________
Peony's POV
Tulala akong nakatingin sa kisame. Nandito na nga ako sa bahay pero naiwan naman ang utak ko sa hospital.
Magpinsan kami ni William.
Apat na magkakapatid sina daddy pero sino-sino ang mga pinsan ko? Gusto ko na silang makilala para malaman ang totoong kwento ng pamilya namin.
Pinatay ni Clem si Kuya Cyrus na hindi ko alam ang totoong dahilan. Sa pagkikwento niya sa'kin ay masaya ang pamilya nila pero masaya nga ba dahil nga'y nagkagulo sila?
Sila ba ni Kuya Cyrus ang nagkagulo?
Napabangon ako dahil si Iris ang tumatawag. Heto na naman, mangungulet na naman.
No choice. Sasagutin ko na lang para tapos na.
[This is Chrysan. Magkasama kami ni Iris. Nandito kami sa-Saan ba 'to Ris?----Easy Coffee Shop---nandito kami kung saan nakipagbreak ang ex mo sa'yo-Chrysan-Hahahah punta ka na rito dahil may pag-uusapan tayo. Kasama ko rin pala si Ren Deniel]
Magsasalita na sana ako pero bigla niya akong pinatayan. Kainis! Ayoko nga.
BINABASA MO ANG
Flowers Bloom (Completed)
FanfictionKailan ba kita makikita ulet? Pinipilit kong kalimutan ka pero naging bahagi ka pa rin ng buhay ko. Naging malawak ang espasyo mo dito sa puso ko. Isang kang nakaraan na kahit na anong pigil ko ay hindi ka nawawala dito sa isipan ko lalo na sa puso...