PEONY LISHIAN CATAPANG
____________________________________________________
Anong mangyayari kapag nalaman ang katotohan sa likod ng misyon?
Sino si Jayvee?
Sino ang hindi marunong maggitara?
Sino ang hindi marunong magpiano?
Sino ang babaeng pinag-awayan ng kambal?
Sino si Brigadier General Alder Manuel?
Sino ang masasaktan?
Sino ang talo?
Sino ang palihim na masaya dahil sa nabulgar na katotohanan?
____________________________________________________
Peony's POV
Dyusmeyo! Mas mabagal pa sa pagong ang pagpapatakbo ni Clem ng kotse. Ang pag-iinarte niya ay wasted my time. Malapit na ngang dumilim pero mas inuuna niya pa ang kagustuhan niyang makasama ako kahit na salungat ako sa kanya.
Ayoko sa kanya!
Ayoko siyang makasama!
"Gusto kitang makasama ng matagal"
"Gusto mo ba talagang malaman ng papa mo na nandito ka sa Bukidnon?". I rolled my eyes.
"Hindi pero andyan naman si lolo"
"Spoiled"
"No!"
"Cyrus ano ba!". Nagulat ako nang magpreno siya. "oh bakit?"
"Kung minahal mo ako bilang Cypress, could you please love me as Khino 'til the end?"
Napakamot ako. "Ang gulo mo Clem. Last time sinabi mo sa'kin na ang gulo ko dahil inamin ko sa'yo na minahal kita bilang Cypress hindi bilang Cyrus tapos sasabihin mo rin sa'kin na kilalanin kita bilang Cyrus. Ano ba talaga?"
"Ano ba sa tingin mo?"
"Patay na ang kakambal mo dahil naaksidente kayong dalawa. Kung nakilala man kita ng malaki na ako bilang si Cypress at minahal, tandaan mo love na una kong minahal ang tunay na ikaw which is Cyrus"
"So naniniwala ka na ako si Clem Cyrus?"
"Naniniwala nga ako kasi mahal kita. Basta ipangako mo lang sa'kin na hindi ka nagsisinungaling at kapag nakauwi na si Evelyn ay gusto ko siyang makilala". Napansin ko ang pagbuntong-hininga niya. Kaya naman ay nagtaka ako. "bawal ba? Hindi mo naman siya asawa o girlfriend hindi ba?"
BINABASA MO ANG
Flowers Bloom (Completed)
Fiksi PenggemarKailan ba kita makikita ulet? Pinipilit kong kalimutan ka pero naging bahagi ka pa rin ng buhay ko. Naging malawak ang espasyo mo dito sa puso ko. Isang kang nakaraan na kahit na anong pigil ko ay hindi ka nawawala dito sa isipan ko lalo na sa puso...