Kailan ba kita makikita ulet? Pinipilit kong kalimutan ka pero naging bahagi ka pa rin ng buhay ko. Naging malawak ang espasyo mo dito sa puso ko. Isang kang nakaraan na kahit na anong pigil ko ay hindi ka nawawala dito sa isipan ko lalo na sa puso ko. Inaasam ko pa rin na sana balang-araw ay mahagilap ko man lang kahit na ang anino mo. Bata man ako noon pero alam ko na ang salitang pagmamahal. Naramdaman ko yun nung tumibok ang puso ko sa unang pagkakataon sa edad na sampung taon.
"Lishian, halika. Kakantahan kita"
"Ano naman pong kanta?"
"Heto"
Nandun ang kilig. Nandun ang sobrang saya. Nandun ang tawanan. Nandun ang kulitan. Nandun ang paglalambing mo pero dahil sa'yo nasaktan din ako't umiyak.
"Lishian pumasok ka na. Gabi na"
Hindi ka na bumalik muli. Hindi mo tinupad ang mga pangako mo sa'kin. Nangako ka sa edad na labing-tatlong taon. Tatlong taon ang pagitan ng edad natin pero ramdam ko ang sinseridad mo dahil umasa ako.
"Aantayin ko pa po siya, mother. Baka po ka-"
"Lishian kung babalik siya, babalik siya ha? 'Wag ka ng umiyak. Taha na"
Lumaki man ako nun sa bahay-ampunan ay pinunan naman ni mother ang kulang sa'kin. Buo at totoo ang pagmamahal na ipinakita niya sa'kin. Kuya ko magpakita ka na. Nasa'n ka na?
Tatlong taon ang lumipas nung hindi ka na nagpakita ay umaasa pa rin ako pero natuto akong buksan ang puso ko para sa iba.
"Peony?!"
"Hoy lalaki!"
"Dito ka rin mag-aaral?"
"Yes naman. Pinaaral ako ni mother"
"Kamusta siya?"
"Ganun pa rin. Kulet paakap nga"
"Long time no see daldal pero maganda"
"Bolero! Wala namang maganda dati ha?"
"E iba na ngayon e. What I mean, natutong ka ng mag-ayos"
"Ayos ka rin ha?"
"Pero sobrang namiss kita"
"Talaga? Biro lang. Namiss din kita ng sobrang-sobra"
Apat na taon niya akong niligawan at alam niya ang tungkol sa'yo. Siya ang dahilan kung bakit nakalimutan kita. Tinulungan niya akong bumangon sa pagkahulog ko. Pinunasan niya ang mga luhang nasa mata ko. Naging kami na hindi labag sa kalooban ko. Mahal ko na siya e. Sinagot ko siya ng gabing yun. Nagliliwanag ang kalangitan. Maingay ang mga tao at ganun na rin ang tinitingala at tinitignan namin sa itaas. It was a new life, a new beginning and a new year for us.
BINABASA MO ANG
Flowers Bloom (Completed)
FanfictionKailan ba kita makikita ulet? Pinipilit kong kalimutan ka pero naging bahagi ka pa rin ng buhay ko. Naging malawak ang espasyo mo dito sa puso ko. Isang kang nakaraan na kahit na anong pigil ko ay hindi ka nawawala dito sa isipan ko lalo na sa puso...