CLEM CYRUS RICARTE
__________________________________________
Sino ang manipulator?
Sino ang susunod sa Carles?
Sino ang pagnanakawan?
Sino ang kasabwat?
Sino ang muntik ng mamatay?
Sino ang sasalo ng bala?
Sino ang ilulunod?
___________________________________________
Cyrus' POV
Nagising ako. Tumingin ako sa labas ng bintana. Nakikita ko ang sobrang liwanag na buwan.
Tumingin ako kay Jasmine na nakasubsob sa higaan ko. Nakaupo siya habang tulog.
Bumaba ako't kinuha ko ang phone niya na nakapatong sa ibabaw ng side table. It's almost one in the morning.
Habang hinuhubad ko ang patient dress ko ay tinitignan ko lang si Jasmine. Himbing na himbing ang tulog niya.
Tumingin pa rin ako sa kanya habang sinusuot ko ang black shirt na kinuha ko sa bag. Hindi na ako nagpalit pa ng shorts.
Tumingkayad ako papunta sa kanya. Dahan-dahan kong binubuksan ang Belladona Elegant Brown Sling Bag niya. Kinuha ko kaagad ang wallet at tsaka ko kinuha ang red cap niya na nasa ibabaw ng isa pang monoblock chair.
Lumabas ako ng kwarto at nang may nakasalubong akong nurse ay yumuko ako kaagad.
Inangat ko ang ulo ko't huminto ako sa tapat ng elevator. Pinindot ko ang G button.
Nang pumasok na ako sa loob ay kinuha ko ang phone ni Jasmine sa bulsa ng shorts ko. I will text William at gagayahin ko ang katarayan ng pinsan niya.
BINABASA MO ANG
Flowers Bloom (Completed)
FanfictionKailan ba kita makikita ulet? Pinipilit kong kalimutan ka pero naging bahagi ka pa rin ng buhay ko. Naging malawak ang espasyo mo dito sa puso ko. Isang kang nakaraan na kahit na anong pigil ko ay hindi ka nawawala dito sa isipan ko lalo na sa puso...