PEONY LISHIAN CATAPANG
______________________________________________________
THIS IS a SPG!
Kung hindi mo kayang basahin ay mag-Great Escape ka na lang
________________________________________________________
Peony's POV
Nandito ako ngayon sa opisina ni Tito Willard. Nakatayo ako sa harap niya samantalang siya ay nakaupo sa tapat ng desk niya't nakapa-decuatrong panlalake.
"Gusto ko po sanang magpaalam tito"
"Saan ka ba pupunta? Hindi ba't ikaw ang nurse na nagchecheck kay Cyrus?"
Napayukom ako't napabuntong-hininga. "Gusto ko lang po munang makapag-isip tito"
"Freesia baka mas kailangan ni Cyrus ang presence mo kahit maramdaman niya man lang. He's stable now"
"Alam ko pong pansarili ang naiisip kong paraan pero tito nagkakagulo sila ni Cypress nang dahil sa'kin. Ayoko naman dumating sa punto na baka may mamatay na sa kanilang dalawa"
"Sa tingin mo ba, nakakatulong ang gagawin mo?". Tumango ako. "papayagan kita. Basta isama mo si William"
"Po?"
"Ilang araw kang mawawala?"
"Isang linggo po sana. Tito I want to be alone". Subalit tumayo si tito sabay na inayos ang doctor's suit niya't nilagay ang ballpen sa left pocket niya. "sana po payagan niyo ako"
"Baka kung anong mangyari sa'yo kung papayagan kita"
BINABASA MO ANG
Flowers Bloom (Completed)
FanfictionKailan ba kita makikita ulet? Pinipilit kong kalimutan ka pero naging bahagi ka pa rin ng buhay ko. Naging malawak ang espasyo mo dito sa puso ko. Isang kang nakaraan na kahit na anong pigil ko ay hindi ka nawawala dito sa isipan ko lalo na sa puso...