Flower's Forty-Three: A Sinful Result

114 6 7
                                    

PEONY LISHIAN CATAPANG

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PEONY LISHIAN CATAPANG





____________________________

Who will do a Sinful Result?

Who did the sinful result?

____________________________





Cypress' POV


Pagkatapos ng photoshoot ay dumiretso ako sa cafeteria ng Nik-M. I ordered coffee and bread because of the weather. Maginaw dahil nagsimula na ang winter. Kaya dalawang patong ng jacket ang suot ko.


Umupo ako't nagpa-de cuatrong pambabae. Tinignan ko ang mga kuha ko sa dslr na hawak ko. Napasmirk ako dahil na rin walang kahirap-hirap kanina ang babaeng modelo. Karamihan ng mga kuha ko sa kanya'y one shot lang bawat isang litrato.


I stop scanning the pictures. Dumating na kasi ang inorder ko't, "Thank you". Ngumiti ako. Nag-sip ako at nilagay sa platito ang tasa.


Tinignan ko ulet ang photos hanggang sa napag-isipan kong kuhanan ang kape't tinapay na inorder ko.


Pinagtabi ko't sinimulan ko ng i-shot ang camera.


Tinignan ko. Ngumiti ako. I am satisfied with my shots.


Iinom na sana ako ng kape nang biglang may umupo sa tapat ko. Nagtalumbaba siya't ngumiti.


Binalik ko ang tasa. Pasimple akong nag-clear ng lalamunan at, "Mangungulet ka na naman ba Dahlia?"


"Umuwi na ako kay mommy nung isang araw. Okay na rin kay Kuya Ren at daddy na bumalik ako dito sa New York. Masaya nga sila siguro dahil wala ang matigas na ulo sa bahay". Ngumisi ako habang nag-sscan ako ng mga litrato sa camera ko. "bumalik ako here ng walang paalam sa kanila"


Napaangat ako ng ulo't tinaasan ko siya ng kilay. "Rebelde ka nga talaga. Ang tapang mong bumyahe ng malayo at the age of seventeen"

Flowers Bloom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon