Lily Jamira Mondejar
Minsan, gusto kong isipin na hindi nga ako malas sa magulang pero malas naman ako sa dalawang kapatid ko. Wala si Kuya Tyler, nagtungo siya ng USA at sana nga hindi na bumalik pa. Pagkaalis niya kanina ay nilagyan niya ng toy cockroaches ang bag at sapatos ko. E 'di para na naman akong tanga na nagtatakbo kanina. Kulang talaga sa bakuna 'yon kahit kailan!
Nandito ako ngayon sa sala, abala sa panonood ng teleserye kung saan isa sa second lead role si Zyrus. After nung last meet up namin ay hindi na siya nawala sa isipan ko.
Did we meet before? Saan? Paano? Kailan?
Ni hindi man lang nga sinagot ang tanong kong kung bakit alam niya ang nickname ko na Mira. Kasi isang tao lang ang tumatawag sa 'kin ng ganon. Pero...patay na siya.
Si Zel.
Napaka-weird talaga, pero medyo kinikilabutan din ako.
Three years ago nung na-meet ko si Zel sa hospital habang tine-therapy ako from coma. He's one of the ICU patients like me. Kaso, ang case niya ay nasunog ang mukha niya. Kaya by healing process siya noon dahil labis ang damage sa face niya sa pagkakasunog.
Magkatapat lang kami ng room. Then, dahil hindi naman sa lahat ng oras ay may nagbabantay sa amin kaya lagi ko siyang pinupuntahan sa room niya kasi pansin ko na wala gaanong dumadalaw sa kanya.
"Gusto kong sabihin sa 'yo ang lahat. Sana matanggap mo pa rin ako..."
Nakatutok lang ako sa eksena ni Zyrus sa soap opera. Damang-dama ko ang emosyon mula sa mga mata niya. Parang hindi siya pang-second lead role eh. Pang-bida na siya actually. This is true and unbiased talent.
His eyes, those eyes...bakit parang ilang ulit ko na nakita before? Like I remember them staring at me with affection?
Tumabi sa 'kin si Trinix. Kinuha niya ang remote control sa tabi ko saka inilipat ang TV sa Cartoon Network.
"Ako ang nauna rito, ibalik mo do'n," I said calmly but he refused.
"Ako ang nauna rito ibalik mo do'n," panggagaya niya sa sinabi ko. Hindi pa rin niya inilipat.
"Trinix, ano ba?!" I half screamed.
"Trinix, ano ba?!" panggagaya niya uli.
"Hindi na ako natutuwa, Trinix!" I said louder this time.
"Hindi na ako natutuwa, Trinix!" gaya niya uli.
Napatayo na ako at nag-walk out. "Ewan ko sa 'yo!" I spat at him.
"Ewan ko sa 'yo!" panggagaya niya pa rin.
Umakyat ako patungo sa kwarto ko. Bully talaga si Trinix, eh! Nagkaroon ako ng bully at pranker na kapatid. Nakakainis!
Binuksan ko na lang ang laptop ko at nanood sa YouTube ng mga kanta ni Zyrus. Isa na ba ako sa mga fans niya? Natutuwa rin naman ako sa mga kanta niya. Tagos na tagos kasi sa puso ko. Pakiramdam ko nga, para sa akin ang lahat ng iyon.
Nahiga ako sa kwarto ko habang dinadama ang himig niya sa rendition niya ng kantang Nothing's Gonna Change My Love For You.
'If I had to live my life without you near me
'The days would all be empty
'The nights would seem so long...'
I don't know why kung bakit kusa na namang tumulo ang luha ko. I just remember the past.
Again.
Beijing, China
"Bakit gano'n si Gray? Hindi niya man lang ba inintindi ang dahilan ko?"
BINABASA MO ANG
This Time She's Mine (Soon-to-be Published)
RomanceLily Jamira Mondejar, the successful owner of The Lily's Lux Bar, struggles with the pain of a broken heart after the love of her life, Ace, left her three years ago. But when famous singer and actor Zyrus Denzel Vlodz walks into her bar and reignit...