Lily Jamira Mondejar
Ilang beses kong tinatawagan si Zyrus ngunit paulit-ulit niya ring hindi sinasagot. Kapag naman nagtutungo ako sa unit niya ay wala rin siya roon. Pakiramdam ko ay papanawan na ako ng ulirat dahil ilang araw ko na siyang hindi nakakausap.
Kailangan naming mag-usap. Ayokong mawala siya sa 'kin.
"Please.... please.. .answer my call... please..." paulit-ulit kong chant habang nakatapat sa tainga ko ang cellphone ko.
Naupo na ako sa kama ko. Hindi na talaga ako mapakali. Ayoko nang ganito. Kailangan kong gumawa ng paraan kundi baka pati si Zyrus ay nawala sa 'kin.
Baka hindi ko na kayanin pa kapag nangyari 'yon.
Sa wakas ay may sumagot na sa kabilang linya. Sumikdo nang malakas ang puso ko nang marinig ko ang boses niya. Naluluha na naman ako.
"Zyrus..." Napapahikbi na ako. Nangungulila na ako sa kanya nang lubos.
"Mira..." garalgal ang boses niya sa kabilang linya.
"Zyrus, kung inutos man ni Dad na layuan mo ako o 'wag kausapin, please... h'wag mong sundin. Mahal mo ako, 'di ba?" Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Narinig ko rin siyang napahikbi sa kabilang linya.
"Mahal na mahal kita, Mira. Sobra pa sa sobra... ngunit ayokong ilayo ka lalo sa 'kin ng Dad mo kaya kailangan ko siyang sundin," sabi niya.
Lalo akong napaiyak. Pakiramdam ko ay hinihiwa ng paulit-ulit ang puso ko. Hindi naman kasalanan ni Zyrus kung konektado siya sa mga Cardemonde. Parang kasalanan pa na napabilang siya sa pamilya na 'yon. Wala siyang kinalaman sa mga nangyari sa 'kin noon kaya bakit labis ang galit sa kanya ng mga magulang ko?
"Zyrus... ayoko...h'wag mong gawin 'yan. Ayokong layuan mo ako. Please..."
"Pero Mira... hayaan muna nating lumipas ito. Baka mas lalo silang magalit sa 'kin o maging sa 'yo. Sundin muna natin sila, okay? Basta lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita. Sa 'yo lang ako. Ikaw lang ang mamahalin ko," wika niya.
Napapakagat-labi ako dahil ayokong tuluyang humagulgol dahil sa sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. Mas masakit pa 'to sa pagtakbo ni Ace sa akin noong araw ng kasal namin.
Iba pala talaga kapag lalaking tunay mong minamahal na.
"Ikaw lang ang mamahalin ko, Zyrus, wala ng iba pa. Ikaw na ang huli. Please, Zyrus... h'wag kang susuko sa'ting dalawa. ha?"
"Hinding-hindi, Mira ko... patuloy lamang kitang mamahalin kahit na ano'ng mangyari."
Pagkasabi niya niyon ay nawala na siya sa kabilang linya.
Ako naman ay paulit-ulit kong kinakabog ang dibdib ko. Napakasakit nitong nangyayari sa aming dalawa, pakiramdam ko ay inaalisan ako ng buhay. O kaya naman ay para akong paulit-ulit na pinapatay.
Hindi pwede 'to! Kailangan kong gumawa ng paraan para sa aming dalawa. Hindi ako makapapayag na mawala sa 'kin ang lalaking pinakamamahal ko.
Ibinulsa ko ang cellphone ko at lumabas ng kwarto. Kailangan kong kausapin si Dad at sabihin sa kanya na hindi ako pabor sa pagpapalayo niya kay Zyrus sa 'kin.
Naabutan ko si Dad na nasa salas. Abala siya sa pagbabasa ng book.
"Dad," paunang tawag ko while wiping my tears.
Napatingin siya sa 'kin. Nailing lamang siya. "Kahit na ano'ng gawin mong pakiusap, Lily, hindi pa rin kita papayagan," sabi niya.
Naiyak na naman ako. Nagtungo ako sa tapat niya at walang pakundangan na lumuhod.
BINABASA MO ANG
This Time She's Mine (Soon-to-be Published)
RomanceLily Jamira Mondejar, the successful owner of The Lily's Lux Bar, struggles with the pain of a broken heart after the love of her life, Ace, left her three years ago. But when famous singer and actor Zyrus Denzel Vlodz walks into her bar and reignit...