Chapter 1

6.7K 126 5
                                    


Lily Jamira Mondejar

Three years ago...

"Ace!" tawag ko sa aking mapapangasawa. Yes, we're getting married in a month, and we're here now at The Ashleya's Event place. Kakausapin namin ang mga Wedding planner and coordinator namin for the concept and anything. I'm really excited to get tied permanently to the man of my dreams.

"Hey, Lily." He kissed me. "Let's go inside?"

Tumango ako at sabay kaming pumasok sa loob ng event place.

Naging kami ni Ace noong college pa lang kami. Noon pa man ay napagpasyahan na naming magpakasal kapag nakaisang taon na kaming naka-graduate. Actually, college pa lang ay balak na naming magpakasal kaso hindi payag ang parents namin. 'Buti na lang ay nahingi na namin ang basbas nila.

"Good day, soon-to-be Mr. and Mrs. Cardemonde," bati sa amin ni Dino, isa sa mga bading na coordinator dito.

"Napakaganda talaga ng soon-to-be bride namin," puri niya sa 'kin kaya napangiti ako.

Pinakita sa 'min ni Dino ang buong event place. Perfect ito for us kasi exclusive wedding ang kasal namin - bale mga importanteng tao lang ang dapat dumalo.

Tapos na ang wedding dress ko at ibang mga preparations for the wedding. Itong reception na lang talaga ang hindi pa namin naaasikaso.

"Oh, nandito na pala ang event specialist," sabi ni Dino.

Napalingon kami ni Ace. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong papalapit.

"Ms. Channel Ashleya Co. Sila po 'yong couple na ikakasal?"

Ngumiti siya sa amin. Nagtinginan naman kami ni Ace.

Ano'ng ginagawa ng babaeng 'yan dito?

"Oh, hey..."

Akmang makikipag-beso na siya kay Ace pero humarang ako.

"Actually, the place is good."

Ngumiti lang siya.

Napaka-plastik talaga niya kahit kailan.

Siya lang naman kasi ang ex-girlfriend ni Ace!

"Luckily, sa akin napunta ang booking ninyo for this place. So, pag-usapan na ba natin ang mga gagawin?" Ngumiti siya sa amin.

"H'wag na pala muna ngayon, may importanteng meetings pa kaming pupuntahan," mataray kong sambit. Naiirita na ako sa presensya ng babaeng 'to.

Hinila ko si Ace palabas at sinundan lang niya kami ng tingin.

We argued that day. Ewan ko ba, talagang nairita ako ng sobra. Pero nagkaayos din naman kami. At napapayag niya ako na doon na lang ganapin ang reception.

Until our wedding comes. I thought that was the most beautiful day of my life.

All women are dreaming for a happy ending on their lives. But, an unexpected event is yet to come.

This Time She's Mine (Soon-to-be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon