Chapter 19

1.2K 32 2
                                    

Lily Jamira Mondejar

Earlier...

Sinamahan ako ni Trinix papunta kay Daddy na siyang nasa balkonahe ng mansyon namin. Naabutan namin siya na iniisa-isang tingnan ang photo album namin.

Photo album ko ngayon ang binubuklat niya. Nakita ko mula sa pagbuklat niya ang mga litrato ko noong bata pa lamang ako. Lagi akong nakangiti sa bawat litrato kong nandoon. Lalo na yung mga litratong nag-recital ako sa ballet workshop. Inilipat na niya sa bandang nag-aaral na ako ng elementary. I used to be so adorable as a kid. Always cheerful and making your day brighter than the sun.

Sabi nila, maging mga katulong ay lagi ko raw pinapasaya. Kapag si Mommy ay nag-start na tumugtog ng piano ay kaagad daw akong sumasayaw.

Napalingon sa amin si Daddy. Hindi tulad kanina na sobrang dilim ng awra niya. Ngayon ay maaliwalas na at mukhang kalmado na siya.

"Have a sit, anak."

So, it's true. He's not mad right now. Sinunod ko siya at naupo ako sa tapat niya.

Marahan kong ginagap ang kamay niya. It really made my chest crumple.

"Daddy... I want to say sorry of what I've done. I'm really sorry if this time, I'm disobeying you again. I know how much you love me. But, Daddy... this time, I swear to you that I finally found the right man for me," I sincerely said to my father. Nararamdaman ko na naman ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.

He smiled a little, then he turned all my pictures to me. Ginagap niya rin ang kamay ko.

"All I want for you, my only daughter, is to be happy. I just realize... if stole your happiness, I won't see this precious smile of yours again." He said and pointed to the picture where I was wearing my best smile. That was during college, when I won my first dancing competition. My father knew that dancing was my life and passion before.

"Noong nangyari ang aksidenteng 'yon na nakapagpawala ng kasiyahan mo, I didn't see this smile of yours since. That's why I get mad of them. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko na maibibigay ang kasiyahan na gusto mo kasi hindi ka na pwedeng sumayaw. All I wanted is to see your smile genuinely again." Hindi na rin napigilan ni Daddy ang maluha. Maging ako.

"Daddy..."

"Anak, pinapayagan na kita. Kung siya ang magiging dahilan nang muli mong pagngiti, pinapahintulutan ko na kayo."

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko na napigilang tuluyang mapahagulgol. Sabay kaming napatayo at walang pakundangan kong niyakap si Daddy.

I didn't really expect this. That finally, he let me love Zyrus.

"Daddy... thank you... Thank you!" Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

Totoo nga ang sabi nila na hindi magagawa ng magulang na tiisin ang anak. Ibibigay nila ang lahat ng makakapagsaya sa anak nila. Magpaparaya sila para sa kaligayahan ng anak. Kaya dapat ay ibalik din sa kanila ang lubos na pagmamahal na siyang inialay nila para sa ating mga anak.

Sapagkat sila ay hindi napapalitan sa mundong ito. Iisa lamang ang pwede nating magulang. Kaya kung maaari ay igalang at mahalin natin sila hangga't sila'y nasa tabi pa natin.

After that moment ay muli kaming umupo ni Daddy. Nakita ko lamang si Mommy, Trinix, at Kuya Tyler na nakasilip sa may pinto ng balkonahe. Pare-pareho silang nag-thumbs up sa 'kin.

"Nais ko na rin makausap si Zyrus tungkol sa kalagayan mo,anak. Ayoko rin naman na mawalan ng ama ang magiging apo ko," sabi ni Daddy.

Napatingin ako sa kanya at napalunok. Heto na nga ang bounce back ng kagagahan ko. Papano kung malaman nila na hindi talaga ako buntis? Baka magalit na naman si Daddy.

This Time She's Mine (Soon-to-be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon