Chapter 5

1.7K 59 4
                                    

Lily Jamira Mondejar

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Grabe, ang sakit ng ulo ko. Ano bang ginawa ko kagabi?

Muli akong napapikit dahil pumitik talaga ang grabeng sakit sa ulo ko. May pilit akong inaabot sa side table.

Nakakapagtaka? Bakit wala ang side table ng kwarto ko? Doon na ako tuluyang nagmulat.

"Nasaan ako?!"

Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Kulay gray and white ang buong kwarto. Nakapatay ang ilaw tanging meditating light lang ang nakasindi pero tumatagos na ang sikat ng araw sa dim curtain na kulay gray rin. May nakapausok pa na aroma therapy. Aminado naman ako, nakaka-relax dito sa kwarto na 'to. Pero ang tanong nasaan ako? Sino ang nagdala sa akin dito?

"Haaaaaaaaa." Napasigaw ako kasi naka-pair of pajama lang ako na panlalaki. Ang laki pa nga sa akin.

Hala? Bakit wala akong alam sa nangyari kagabi? Ano bang ginawa ko?

Jusko naman, Lily!

Bumaba ako ng kama at lumabas ng kwartong 'yon. Napa-wow ako dahil isa pala 'yong malaking condo unit. Mukha talagang lalaki ang may-ari dahil sa interior design ng buong unit. May nakikita pa akong mga plaque at mga awards and trophys. Naglakad ako patungo sa kitchen. May naririnig kasi ako na parang nagluluto at boses ng lalaking kumakanta ng 'All I ask' pero, syet, mas maganda yata ang cover nitong naririnig kong kumakanta.

Sumilip ako pagkatungo ko sa kusina. Isang nakatalikod na lalaki ang nagpi-prito ng bacon and egg.

Shet! Topless habang naka-apron!

Ang ganda ng pagka-broad ng likod niya. Nakatulos lang ako sa kinatatayuan ko kasi nga pinapakinggan ko lang siyang kumanta. Napakaganda ng acapella.

'Look, don't get me wrong,

'I know there is no tomorrow,

'All I ask is...'

Naaamoy ko lang ang niluluto niya. Napaka-buttery ng amoy ng buong kusina tapos ay sumasabay pa masculine scent niya. Halatang napakalinis niya sa bahay dahil may robotic vacuum siya na umiikot ngayon sa buong unit.

Lumingon siya. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala siya.

He beamed. "Good morning."

Gusto kong mahimatay. Paano ako napunta sa unit niya?!

"Zyrus Denzel Vlodz!?"

Ngumiti lang siya at muling tumalikod upang ihango ang mga niluluto niya. Itinuloy niya ang pagkanta.

'If this is my last night with you,

'Hold me like I'm more than just a friend,

'Give me a memory I can use,

'Take me by the hand while we do what lovers do,

'It matters how this ends,

''Cause what if I never love again?'

Ang taas no'n...

Napakalamig ng boses niya ang sarap sa taenga. Grabe, full of emotions pa ang pagkanta niya. Inilagay niya sa lamesa ang mga niluto niya. May nakahanda na rin na fresh milk doon at mga plato para sa dalawang tao. May fried rice at fruits din.

"Come here, let's eat," sabi niya.

Para naman akong nahipnotismo at sumunod. Pinagpatuloy niya lang ang kanta.

'I don't need your honesty,

'It's already in your eyes,

'And I'm sure my eyes, they speak for me,

This Time She's Mine (Soon-to-be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon