Chapter 6

1.6K 65 2
                                    

Zyrus Denzel Vlodz

Napahinto ako at sumilip muna sa isang passage na dadaanan namin ni Lily.

"What the-"

Bigla kong hinila sa isang corner si Lily. Napabangga siya sa chest ko. Napatingala tuloy siya sa 'kin.

"Bakit?" she asked.

"Pati ang isang passage ko nandoon sila. Paano na ito."

Nanatili lang kami sa tinataguan namin.

Ang hirap namang maging celebrity sa bansang 'to. Sa 'kin nakatutok ang lahat lalo na at kababalik ko lang sa bansa after three years. Hindi ko akalain na hindi pala ako nakalimutan ng lahat.

"Paano na? 'Di ba may emergency pa sa inyo?"

Isa pa pala 'yan. Sila Kuya Ace. Step brother kami dahil pinakasalan ng Mama ko ang Papa niya. Sa una ay hindi ko pa matanggap 'yon pero sa ngayon ay good relationship na kami ng step brother at step sister ko. I know that he's engage with Ate Channel at may anak na sila. And I know din ang tungkol sa kanila ni Lily. Ang pagtakbo niya sa kasal nila ni Lily.

I know everything.

Iniisip ko ngayon ang sitwasyon sa mansyon.

"Hindi na ba talaga sila aalis?" tanong ni Lily.

Napasilip uli ako. "Wala na tayong choice. Need na natin silang harapin."

"Eh?" Napanganga siya.

"Don't worry, ako ang bahala. Come." I hold her left hand. I just felt a familiar friction. Napangiti lang ako.

Kaagad kaming dinumog ng press. Itinago niya lang ang mukha niya sa chest ko. Niyakap ko siya.

"Totoo po bang asawa niyo siya?"

"Nagsasama na po ba kayo?"

"Buntis na po ba siya?"

Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong sagutin. Tinanaw ko ang sasakyan ko na nasa 'di kalayuan lang ng entrance. Ang problema, kapag wala akong sinagot ay mas lalo kaming hindi makakawala. Sanay naman ako sa ganitong sitwasyon basta ba ay ako lang.

"I'll be answering all your questions one-by-one. Okay, you first," turo ko sa isang reporter.

"Totoo po bang asawa niyo siya?"

Nanatiling nakayapos ako sa kanya. Parang ang hirap lusutan nito, ah. Pero wala akong choice kundi sagutin ito. "Yeah she's my wife."

Nakita kong napanganga maging si Lily. Ganoon din ang reaction ng lahat.

"Okay, that's enough. Let us go." Mabilis kong hinila si Lily patungo sa sasakyan ko.

"Ano 'yong sinabi mo?!" Napasapo siya ng noo.

Nagsimula akong mag-drive. "I have no choice, kundi ay hindi tayo makakawala do'n kanina."

She hissed. I smiled while stealing glances at her.

"Ihatid mo muna ako sa 'min, I'm sure hinahanap na ako doon." she said habang naka cross arms.

"Obvious nga, dahil kanina pa may text nang text sa phone ko."

Nakatanaw lang siya sa bintana. Nag-focus lang ako sa pagda-drive.

Lily, It's nice being with you again...

3 years ago...

"Magiging maayos din ang lahat, anak." Kahit mahirap ay pinilit kong idilat ang mga mata ko and I saw my Mom worrying so much.

This Time She's Mine (Soon-to-be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon