Chapter 17

1K 34 7
                                    

Zyrus Denzel Vlodz

Casa Villaceran

"Hindi mo dapat ako pinangunahan, Aria!" Hindi ko na naiwasan na maitaas ang tono ng boses ko matapos kong marinig sa kanya na sinabi na niya kay Lily ang patungkol sa car crash.

"Babaan mo ang boses mo. Natutulog na si Karisma!" matiim niya ring sambit habang tinatapik sa tabi niya si Karisma.

Magsasalita pa sana ako kaso ay mas pinili ko na mapasapo na lang ng noo. Hindi ko inaasahan ang gagawin niya.

Nandito ako ngayon sa mansyon ng mga Villaceran. Si Aria ang nag-sugguest na dumito muna ako dahil ayokong umuwi sa unit ko. Mas lalo lang akong nalulungkot o kaya ay baka magpunta lang doon si Lily. Sa Cardemonde mansion naman ay magulo pa rin ang sitwasyon kila Kuya Ace at Ate Channel. Ayoko nang dumagdag pa sa mga iniisip nila.

Mabuti at pumayag si Tita Arishanella na dumito muna ako. Kaso ay lagi siyang wala kaya kay Aria niya pinaaalagaan ang apo na si Karisma.

"Pero hindi mo pa rin dapat ginawa 'yon. Pinangunahan mo ako," mahinahon kong sabi.

Binuhat na niya ngayon si Karisma. "Ano'ng gusto mong mangyari? Ang itago sa kanya habambuhay? Eh 'di ba 'yan ang puno't-dulo ng problema sa 'yo ng mga magulang niya?" wika niya.

Kinuha ko sa kanya si Karisma at ako ang naghele. Ikinabit naman niya ang pacifier ng bata. Nagigising kasi kapag walang nakasalpak na pacifier sa bibig.

"Kahit na, pero wala na akong magagawa kasi nangyari na." She rolled her eyes. "Ewan ko ba sa inyo, ang hihilig ninyong problemahin lalo ang problema. Kung malaman niya, nasa kanya na lang 'yon kung magagalit siya sa 'yo o hindi. D'yan mapapatunayan kung talagang mahal ka niya, Kuya Zy."

Napatingin ako sa kanya. May point siya. Masusubukan nga rito kung mamahalin pa rin ako ni Lily sa kabila ng mabigat na pangyayari na hindi namin ginusto.

"Kung mahal ka niya, patatawarin ka niya. Kasi, hindi mo naman ginusto ang mga nangyari noon," makahulugan na sabi niya.

She's really different now. Ang dating Aria na tahimik lang at walang balak na kumausap ni isa sa amin. She was just like to mingle with her friends. Kung minsan ay warfreak pa. It's really changed everything towards her. She's now a mature businesswoman. Hindi ko na nga mabilang sa daliri ko ang mga businesses na hinahawakan niya. From resto, dance studios, shops, etc.

"Kuya Zy, trust me. Malalagpasan niyo rin 'yan. Hangga't kaya niyong ipaglaban, go lang," buong asam at positibo niyang sambit.

Pinasunod niya ako patungo sa kwarto ni Karisma. Binuksan niya ang pinto no'n. Kaagad ko naman inihiga ang bata sa kama nito. Inayos ito ni Aria at binigyan ng manika na yayakapin.

"Sige na, Kuya Zy. Tatabihan ko kasi si Karisma, hindi ito sanay nang walang katabi. Magpahinga ka na baka maaga ka pa bukas," sabi niya.

Ngumiti ako at tumango. "Maraming salamat, Aria, at pasensya na kanina."

She just hissed.

Yes, she changed, pero hindi na siguro mawawala ang pagkamaldita niya. Kahit naman ipakita siya sa madla na dapat siyang katakutan o pangilagan ay nangingibabaw pa rin ang pagka soft hearted niya. Gusto niyang ipakita sa lahat na sa kabila ng mga pinagdaraanan niya ay malakas na personalidad ang pinapakita niya.

"It's nothing, okay? Sige na, alis."

Natatawa ko na lamang na isinara ang pinto.

This Time She's Mine (Soon-to-be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon