Chapter 12

1.3K 43 3
                                    

Zyrus Denzel Vlodz

I don't mind all the people right now. Kahit pa may mga dumating na mga reporters ay wala akong pakialam. Gugustuhin kong mag-escape at tumakbo kasama ang babaeng mahal ko na si Lily.

At ngayon ay magkatitigan pa rin kami. She was like my galaxy of the brighter stars in my eyes. Since then, until this present time.

"'Di ba, si Zyrus Denzel 'yan?"

"Si Zyrus nga!"

"Hala, nakakakilig. Zyrussss!"

Sari-saring mga bulungan na ang naririnig ko. Napatingin ako kay Pierre at nakatingin siya sa 'kin nang masama.

"Tara, Lily," sabi ko sa kanya sabay kinuha ang kamay niya at tumakbo kami palabas ng bar niya.

Nakangiti lang siya. Sinimulan naman kaming habulin ng ilang mga nakakilala sa 'kin. Kaagad ko siyang isinakay sa sasakyan ko. Paparating na ang mga paparazzi kaya kaagad kong pinaandar 'yon.

Sana lang ay mabilis kaming makalayo sa mga paparazzi at hindi kami masundan. Lumiko ako upang lituhin sila. Nagtagumpay naman ako. Muli akong napatingin kay Lily. Tulala lang siya na naka-pokus ang mga mata sa 'kin.

Kanina, alam kong nagtungo siya sa unit ko. Hindi ko lang siya naabutan. Alam kong naabutan niya kami ni Aria na magkayakap. Niyakap ko lang ang stepsister ko because she burst out and she almost had a breakdown. She confessed everything to me dahil wala na raw siyang mapagsabihan ng mga nararamdaman niya.

I knew na sobra ang kagustuhan ng pamilya namin. Ang mommy ko na si Zarina Generoso ay asawa ng Daddy niya na si Bernardo Cardemonde. Hindi na ginamit ni Mom ang apelyido ni Dad simula nung namayapa ito at napangasawa na niya si Papa Bernardo. Itinuring naman niya akong isa sa mga anak niya. I know this was really hard for Aria lalo na't ang Mommy niya na si Tita Arishanella ay nasa London pa rin. Kamakailan lang naman umuwi ulit ng Pilipinas si Aria. And I was really shocked with all the secrets she kept to her that she entrusted to me... Just imagine, mas mabigat pa pala sa mga nililihim ko.

Pinagmamasdan ko si Lily. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan 'yon.

"Zel..." she said.

Nginitian ko lang siya. Ang signature smile ko na tanging ipinagmamalaki ko sa kabila ng lahat. It proved who I was the most. And it made Lily smile with me.

Hininto ko ang sasakyan ko sa isang mataas na burol na isa sa mga paborito kong puntahan. Napakaraming bituiin sa kalangitan na kay sarap tingalain kasama ang taong mahal mo.

Pagkalabas namin ng sasakyan ay sabay kaming naglakad habang nakatingala.

"W-wow..." she said again, astonishment evident in her voice.

"Mamaya, exactly eleven night ay uulan daw ng meteor shower."

Napatingin siya sa 'kin. Nilapitan niya ako at hinaplos ang mukha ko. "Hindi pa rin ako makapaniwala na ikaw si Zel..."

Tumitig ako sa mga mata niya. "Oo, Mira... ako nga." Isinukbit niya ang mga kamay niya sa batok ko at saka tumapak siya sa mga paa ko. Hinapit ko ang beywang niya. And I started to sing a melodious tune only for her. Ang kantang I Believe ni Jimmy Bondoc sa sarili kong paghimig.

'I believe na ikaw lang at ako,

'Kung kaya tayo ay pinagtapo,

'I believe ang kapalaran mo'y ako,

'At sana ay ganun din ang puso mo...'

This Time She's Mine (Soon-to-be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon