Lily Jamira Mondejar
Kinikilig ako habang ka-video call ko si Zyrus. Kasalukuyan kasi siyang nasa Malaysia para sa guesting tour niya. Ang lungkot ko nga dahil dalawang araw na kaming hindi nagkikita. Actually, hindi pa alam nina Mom, Dad at mga kapatid ko na boyfriend ko na si Zyrus. Malamang kasi na kukulitin nila ako. Lalo na si Kuya Tyler. Hindi ako tatantanan no'n sigurado.
Sila Mom at Dad naman ay pipilitin ko ipakilala sa kanila si Zyrus. Binabalak ko na pagbalik na lang ni Zyrus. Bale, magse-set na lang ako ng lunch out para sa 'min kasama si Mom at Dad.
Hindi na madalas napapapunta ang gawi ko sa Bar ko dahil pinagpa-practice ko si Trinix na mag-manage. Wala ring ginawa sa buhay 'yon kundi magkulong sa kwarto at maglaro ng online games.
"Always take care there, my Zel."
Napangiti siya. Nasa makeup room pa kasi siya ng studio ng dinaluhan niyang guesting. Hindi pa naman siya tinatawag kaya heto, magka-VC lang kami. We always took time to see each other as much as possible.
"Promise, babawi ako pag-uwi ko bukas. Gusto ko na nasa unit ko na ikaw no'n, okay?" Kinindatan niya ako at nag-finger heart. Gusto ko na namang magwala sa kilig. Kasi naman eh! Namimihasa na siyang patibukin nang mabilis ang puso ko.
Noong mga nakaraan lamang ay halos araw-araw ako sa unit niya. Parang doon na nga ako tumitira. Mabuti na lang din at wala pang sinasabihan si Kuya Pierre kahit kanino sa pamilya ko. Ayun na nga, mukhang hindi na namin maibabalik ang kung ano mang mayroong pagkakaibigan kami noon. Siya na kasi ang umiwas.
B-in-lock niya pa ako sa Facebook. Sa IG naman ay naka-private ang mga pictures namin ni Zyrus. It's really nice na marami na kaming memories together. And we would continue to collect memories with each other, 'till the end of time.
Kasi kapag magkasama kami ay talagang sinusulit niya ang bawat minuto na magkasama kami. Isa na roon ang pag-compose ng kanta habang kaharap ako tapos kakantahan niya ako ng mga kantang ire-request ko sa kanya. Tapos nagpu-food trip kami at stargazing sa lugar kung saan ko siya sinagot. Sabi niya sa 'kin ay binili niya ang kalupaan na 'yon at patatayuan niya ng bahay. At 'yon daw ang magiging bahay namin kapag kinasal kami.
Pakiramdam ko ay ako ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Ngayon ko lang nadama ang ganitong uri ng saya. Hindi siya simple lang at naiintindihan ko na kumakalat siya sa loob ko. Kaya naniniwala ako na lahat ng mga bagay na nangyayari sa 'tin ay may rason. And this was a pretty good reason.
Kung noon ay nakakulong ako sa pagdurusa na dulot ng mga masasakit na memorya ko kay Ace, ngayon ay napalitan 'yon ng sobrang kaligayahan at pagpupuri. Dahil kung hindi nangyari ang mga masasakit na pangyayaring 'yon sa buhay ko ay hindi ko makikilala at makakasama ngayon ang lalaking tunay na para sa 'kin ngayon.
Ang lalaking siyang matagal na pala akong minamahal.
Hindi ako makapaniwala na nag-eexist ang isang Zyrus sa buhay ko. Isang lalaki na wagas kung magmahal at handang masaktan at maghintay.
Sobrang tagal niya akong hinintay. Muntikan pa akong mapunta sa iba kaya buti na lang, tadhana ang gumawa ng paraan upang kami'y muling magkatagpo. Minsan talaga ang tadhana, mapaglaro man ay ibang klaseng surpresa naman ang ibibigay niya para sa 'yo. This was the surprise that I cherished the most.
"Sige, start na yata kami. A ton of my love for my Mira," he said, at kasabay niyon ang paghalik niya sa screen. Siyempre kilig na kilig na naman ako.
"A bunch of 'I love you too's,' my Zel."
Nakita kong ngumiti siya nang matamis bago siya tuluyang naglaho sa screen.
BINABASA MO ANG
This Time She's Mine (Soon-to-be Published)
RomanceLily Jamira Mondejar, the successful owner of The Lily's Lux Bar, struggles with the pain of a broken heart after the love of her life, Ace, left her three years ago. But when famous singer and actor Zyrus Denzel Vlodz walks into her bar and reignit...