Chapter 15

1.1K 34 7
                                    

Lily Jamira Mondejar

Nai-serve na ang food namin ngunit wala pa rin sina Dad at Zyrus. Lalo tuloy akong kinabahan. Napatingin ako kay Mom.

Hindi niya ako iniimik at naging abala siya sa cellphone niya. Ako naman ay palinga-linga lang. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Ano kaya ang tumatakbo sa utak nila Mom at Dad ngayon? If they're mad at me? Disappointed? Why the way na tingnan ni Dad si Zyrus ay tila nagkakilala na sila?

Ang weird naman nitong iniisip ko.

"Napakatagal naman yata mag-usap ng Dad mo at ng boyfriend mo?"

Napatingin ako kay Mom. Tila may diin ang pagkakabigkas niya ng boyfriend. Para kanina pa siya aburido. "I don't know, Mom. You know naman si Dad."

Napatingin nang diretso sa 'kin si Mom. "Think your boyfriend didn't pass your Dad's standard?"

Napalunok ako sa sinabi ni Mom. Hala? Paano kung hindi nga? Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Maya-maya'y nakita ko na si Dad na pabalik sa table namin. Nakakapagtaka na hindi niya kasama si Zyrus?

"I think, we need to go," sabi ni Dad.

Napatingin ako sa kanya. "Si Zyrus po?" tanong ko sa kanya.

Nagtinginan sina Mom at Dad. Ano ba talaga ang nangyayari?

Naghihintay ako ng kasagutan sa kanila nang biglang may tumawag sa phone ko. Kaagad ko iyong sinagot dahil nakita ko sa screen na si Zyrus ang tumatawag.

"Where are you?" nag-aalalang tanong ko.

"I'm so sorry, my Mira. May biglaang appointment ako pero nakapag-usap na kami ni Mr. Mondejar."

Napatingin ako uli kay Dad. Nag-iwas lang siya ng tingin sa 'kin.

"Sayang naman... sige, mukhang importante yata 'yan. Aalis na rin kami."

Narinig ko ang malalim na pagbugtong-hininga niya. "Babawi na lang ako ,my Mira. I love you," sabi niya na siyang kinangiti ko.

"I love you, too," sagot ko naman.

Nakita ko na naiiling si Dad. Pagkawala ng kabilang linya ay sabay-sabay kaming tumayo.

"To be honest, I found out na konektado siya sa mga Cardemonde. I don't like him for you, Lily," firm na sabi ni Dad.

"Dad..."

He sharply stared at me.

"Ayokong magkaroon ka pa ng koneksyon sa pamilyang 'yon, Lily!"

Nayuko na lamang ako. Tahimik akong naupo sa passenger seat ng sasakyan ni Dad. "But Dad..."

Hindi niya ako kinibo.

"Mom..." baling ko naman kay Mommy.

Nilingon niya ako. "Anak, we know the best for you, okay?" Mom said.

Nagsimulang magsilaglagan ang mga luha sa 'king mga mata.

Nang makauwi kami ng mansyon ay dali-dali akong umakyat paitaas ng kwarto ko. Nakasalubong ko si Trinix. Iri-reach out niya sana ako kaso ay hindi ko siya pinansin. Pagbagsak kong isinara ang pinto ng kwarto ko.

Pagkadapa ko sa kama ay muli akong umiyak. Bakit nila ako pinalalayo sa lalaking mahal ko? Napakatagal ko bago naka-recover sa mga nangyari sa 'kin. Pagkatapos, itong simpleng kaligayahan ko, ipagkakait nila sa 'kin. Napaka unfair nila Mom at Dad!

Paano ko sasabihin kay Zyrus 'to? Paano kung layuan na rin niya ako dahil dito?

Ayokong pati siya ay iwanan ako. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin 'yon.

This Time She's Mine (Soon-to-be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon