Lily Jamira Mondejar
Dahil sabi ni Ace ay nasa Village Park ang sasakyan niya kaya napagpasyahan naming sa playground ng park mag-usap. Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa swing. Ayoko naman kasi na kaharap siyang kausap.
I didn't know why. Kasi sa totoo lang, at first ay hindi naman talaga dapat maging ganito ang reaction ko after what he did to me before. Hindi niya alam kung paano nawasak ang puso ko dahil sa kaniya at kung paano niya ako tinanggalan ng isang malaking bagay sa buhay ko.
But my heart was already in peace na kasi. Simula noong nakasama ko si Zyrus, tila nawala na rin ang galit ko kay Ace. At na-realize ko na naka-move on naman na pala ako sa kanya. Naiinis lang yata talaga ako sa kanya kapag naaalala ko ang mga pangyayari noon. Tapos, after three years, ngayon lang siya muling maglalakas-loob na kausapin ako?
"Actually, I don't know how to start our conversation."
Napatingin ako sa kanya. I also took a glance at my wrist watch ko, and it was already past midnight.
Iniisip ko na naman ang nakaabang na si Kuya Tyler. Hindi pa naman natutulog 'yon dahil sa paggawa pag-develop ng bagong games.
"Me, too. I'm just waiting for you to speak. Kasi, you know, I won't be mad at you, okay?" pangungunsinti ko sa kaba niya.
"Siguro, I want to apologize if ngayon lang ako nagmatapang na kausapin ka uli."
I just smiled at him. It was not sincere, though. "No worries, you know. I forgave you, kamakailan lang."
Siya naman ang napangiti. He's really quite different now kaysa noon. "I'm so happy to hear that, Lily. Gumaan ang mga bagay na pinagdaraanan ko. I know na alam mo ang nangyari sa amin lately ni Channel. May kumuha sa anak namin."
Pinaglalaruan niya lamang ang mga daliri niya habang nagsasalita siya. I symphatized with him. "I'm so sorry to hear that. Sana ay makita niyo na ang baby niyo." Nakatingin lamang ako sa harapan ko, pero I spared him a side glance.
"Kasalanan ko 'to, eh! Sana hindi ko na lang sila inuwi dito sa Pilipinas. Sana, nag-stay na lang kami sa Canada." His tears started to fall. His defenses were already weak.
Gustuhin ko man siyang lapitan para damayan, kaso nahihiya ako, at 'di ko naman gawain na magpagaan ng loob na mga gesture, kaya tinitigan ko lang siya.
"May awa ang diyos, Ace. Makikita niyo rin ang baby niyo." Inabutan ko siya ng panyo.
"Thank you so much, Lily. At finally gumaan nang konti ang bigat na nadarama ko kasi hinarap kita ngayon para muling kausapin ka nang maayos."
"Noon pa man, Ace, pwede mo naman akong kausapin." He wiped his tears. "But I still need an answer, Ace. Why did you do that to me?"
Lumakas ang simoy ng malamig na hangin. He just sighed in distress.
"Minahal kita, Lily. Sobra, at totoo 'yon. Although everytime, I felt that you don't deserve someone like me." He confessed.
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "But... why?"
"You have a perfect and happy family, Lily. Sa 'yo ko naranasan at sa pamilya mo ang magkaroon ng masayang pagsasamahan. Magulo ang buhay ko that time, Lily, tapos hindi ko na rin alam ang direksyon na aking tatahakin. Kasi naisip ko, bakit kita isasama sa napakagulong buhay ko? Kaya doon ko nadama na hindi mo deserve ang isang katulad ko. God knows, kung gaano ko kagustong maikasal sa 'yo. Kaso, lagi kong nararamdaman na hindi ako ang tao para sa 'yo."
BINABASA MO ANG
This Time She's Mine (Soon-to-be Published)
RomanceLily Jamira Mondejar, the successful owner of The Lily's Lux Bar, struggles with the pain of a broken heart after the love of her life, Ace, left her three years ago. But when famous singer and actor Zyrus Denzel Vlodz walks into her bar and reignit...