Chapter 9

1.3K 50 5
                                    

Lily Jamira Mondejar

Three years ago...

Nandito kami muli ni Zel sa rooftop ng hospital. Tulad nang nakasanayan namin na kapag wala kaming mga dalaw at bantay ay nagtutungo kami rito. At isa pa ay dito niya rin ako pinapalakad. Kaya medyo nakakalakad na ako ng mabuti pero hindi pa gano'n kabilis. Nagmimistulan pa rin akong robot kung maglakad. Nakaupo kaming pareho sa bench.

"Ready ka na bang mapakinggan ang kakantahin ko para sa 'yo?" Napangiti ako. Ito na naman ang bagong emosyon na iibigin ko.

"Kailan ba hindi?" Napangiti na lang din siya. Sinimulan na niyang ipwesto ang mga daliri niya sa strings ng gitara. Sinimulan niyang kantahin ang Wala Man Sa 'yo Ang Lahat ni Myrus Ramirez.

'Wala man sa 'yo ang lahat, wag kang mangamba (aaaah, aaah)'

Napapikit ako at dinama ang tibok ng puso ko. Isa ito sa mga kanta na gusto kong napapakinggan sa radyo. At ngayon ay kinakanta sa akin ng espesyal na tao.

'Wala man sa 'yo ang lahat, iniibig kita (aaaah, aaah),

'Hindi ka man yung tipo, na makikita sa TV at sa dyaryo,

'Ang sinisigaw ng puso, ikaw ang mahal ko (woooh, woah, wooohoh, woah)'

Nanatili lamang akong nakapikit. His cold yet fulfilling voice is already capturing my heart.

'Wala man sa 'yo ang lahat, sa 'kin ay ikaw lang (aang, aaang),

'Wala man sa 'yo ang lahat, hanap ka sa tuwina (aaah, aaah),

'Ang bawat pintig ng puso ko, sinisigaw ang pangalan mo,

'Sa lungkot at sa ligaya, kasama mo ko.'

Muli akong napamulat. Nakatitig lang ako sa kanya. Ganoon din siya sa akin. Naisip ko na baka singer talaga siya? It seems sobrang pamilyar ng boses niya. Nalimutan ko lang talaga kung sino. Side effect daw talaga ng anesthesia ang pagiging forgetful.

Magkatitigan lang kami. I liked the way his eyes shone when he looked at me like I was a valuable treasure.

'Ang mundo ko ay naging masaya,

'Salamat sa Diyos, nakilala kita,

'Buong buhay ko'y nag iba, gumaan talaga,

'Ganito pala pag nag magmahal, Sinta.'

I really felt his emotions. Hindi ko mapagkakaila na ito na ang isa sa dahilan kung bakit gusto kong ipagpatuloy ang mabuhay. Minsan nga ay nais ko na tanungin si God kung ano na ba talaga itong nadarama ko.

Nang matapos siyang kumanta ay pinalakpakan ko siya. I really loved how he's showing his emotions through singing. And how he greatly affected me with it. May dinukot siya sa bulsa niya. A scented paper na super familiar sa 'kin.

"Open it." Binuksan ko naman iyon.

'You and I...for this time.'

This Time She's Mine (Soon-to-be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon