Chapter 7

1.5K 57 4
                                    

Lily Jamira Mondejar

Dahil tinawagan ako nila Chanda na mag-mall kami ngayon kasama ang pamangkin niyang si Skylar. Na-excite ako dahil gusto kong makita uli ang napaka-cute na batang 'yon. Pagkaligo ko at pagkabihis ay kinuha ko ang sling bag ko. Pero nanlaki ang mga mata ko dahil may naka-doodle doon

'I am Lily pandak, donate me a height.'

Bigla akong napasigaw. Mahal na mahal ko ang mga precious bags ko. Tapos ganito?!

Dali-dali akong nagtungo sa kwarto ni Kuya Tyler. Alam ko namang siya ang may gawa nito! Paano ba naman 'nung isang araw, sa sobrang katangahan niya kaka-prank call sa 'kin ay inilagay ko sa balde na may tubig ang IPhone niya. Sigaw din siya nang 'di oras no'n.

Pagkabukas ko ng kwarto niya ay abala lang siya sa paglalaro ng online games.

"Kuuuuyaaaaa!" sigaw ko sa kanya.

Pero hindi niya ako pinapansin kasi may headphone siya. Nilapitan ko siya at tinanggal 'yon.

"Hey, sis." Nakakaloko pa siyang ngumiti. Lalo akong naiinis!

"Bakit sa dinami-rami ng bag ko ay ito pa?!" Ipinakita ko sa kanya ang ni-doodle niyang bag ko.

"Bakit sa dinami-rami rin, bakit ang cellphone ko pa?!" gigil din na sabi niya.

"E 'di bumili ka! CEO ng isang game company, walang pambili ng cellphone?!"

Napatayo siya. "Ikaw naman, may-ari ng luxurious bar walang pambili uli ng bagong bag?!" banat naman niya.

Tinitigan ko siya nang masama. "Eh sa mas mahal ko nga 'to, eh!"

Inihampas ko sa kanya ang bag pero tumawa lang siya.

"Yaaaaahhhhh!" Sinabunutan ko siya. Triggered talaga ako kapag bag ko na ang usapan. Pilit din siyang nagpupumiglas sa sabunot ko hanggang sa makalabas kami ng kwarto niya.

"Ikaw talaga, Kuya, kahit kailan ka, ha?!"

Saktong kalalabas lang ni Trinix sa kwarto niya. Napatagilid siya dahil nagsasabunutan na kami ni Kuya. Ita-try na niya sana kaming pigilan pero nagdalawang-isip siya.

"Lily! Napupuno na ako sa 'yo, ha! Bitawan mo kamay mo sa buhok ko!" banta ni Kuya.

Pero lalo kong hinigpitan. "At bakit ko gagawin? Dapat lang sa 'yo 'to, Kuya!"

Nakababa na kami ng hagdan. Gulat na gulat ang mga kasambahay.

Actually, sanay naman na sila sa amin dahil mga bata pa lang kami ni Kuya ay ganito na kaming dalawa.

"Magsitigil kayo!"

Napahinto kami.

Napatingin kami kay Dad at Mom na kadarating pa lang. Nakanganga lang si Mom.

"Kayong dalawa, umupo kayo sa sofa. Kasama ka Trinix!"

Napatingin si Trinix na gulat na gulat. "Ba't nadamay ako, Dad?"

Gusto kong matawa dahil busy lang naman siya sa pagse-selfie ay nadamay siya. Napatingin ako kay Dad. Nako po, mukhang galit talaga si Timothy Fyler Mondejar.

Nakaupo kaming tatlo sa sofa. Nasa gitna ako. Parehong gulo ang mga buhok namin ni Kuya Tyler. Si Trinix ay naka- crossed-arms at nakasandal lang.

"Kay tatanda niyo na hindi ba kayo nahihiya sa mga kasambahay dito?"

Nayuko lang ako.

"Sorry na po, Dad. Hindi na po mauulit." Si Kuya ang nagsalita.

This Time She's Mine (Soon-to-be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon