Chapter 13: baby bro and baby sis

0 0 0
                                    

Amore's PoV

"Good morning nak" bati ng pinakamagandang babae sa balat ng lupa sakin.

"Oh ma. I taught you're in New York with dad?" Hindi na ako nakapag good morning sa kanya kasi naman nakakapagtaka kung bakit nandito na sya. Agad agad.

" I am here para i settle ang ilang mga papers." Tugon naman nya saakin habang nakangiti.

"Papers for what!? Nagugulumihanan kong tugon sa kanya.

"Bumangon ka na muna dyan sa kama mo at nakahanda na ang breakfast. Hindi ba't may pasok ka? Aba hindi porket Student Council President ka eh paV.I.P. ka na?" Manda nya sakin. O rayt. Kaya minsan ayaw ko ng nandito si mommy eh. Maaga pa lang paos na sya kaliligalig sakin. Bakit kaya ang mga nanay hindi nauubusan ng bala para sa armalite nila!? I wonder why.

So ayun bumangon na nga ako. Sinunod ko yung sinabi ni mommy. Sya naman lumabas na iintayin nalang daw nya ako sa baba. So ako naman gagawin ko na ang morning rituals ko. Hinanda ko na yung Uniform ko at pumasok na ako sa C.R. Nag handa na din ako ng Extra Clothes para may reserve naman ako sa locker ko.

Pagkatapos kong maligo. Nagayos na ako ng sarili ko. Pinusod ko ang buhok ng isa lang tsaka naglagay ng pulbos at konting liptint. Nilagay ko na din ang contact lenses ko at medyo malabo na din kasi ang mata ko. Pagkatapos nun kinuha ko na yung bag ko at bumaba.

Pagdating ko sa garden. Yhep sa garden nga. Tama kayo ng pagkakabasa. Walang mali sa mata nyo. Dito kami magbrebreakfast nila mommy. Pagdating ko dun nakita ko si mommy na may kandong kandong na baby girl at sa tabi naman nya ay isang baby boy na siguro nasa mga 6 years old na. Umupo na ako sa tabi nila.

"So, mom. Papers ba nila?" Prangka kong tanong.

"Yess. Naisip ko kasi anlungkot lungkot na ng bahay natin." Tugon naman ni mommy sakin. Tsaka sya ngumiti.

"Oww. Mom. Thank you." Sabi ko sa kanya tsaka sya niyakap. Matagal ko na kasing winiwish sa kanya na magkaroon ako ng baby brother or sister. At ngayon pareho pa. Yess. ☺️

"Hi Ate, you're so beautiful." Bati sakin ng bago kong kapatid na baby boy.

"And you're handsome too. Anong pangalan mo?" Sagot ko naman. Naflaflatter ako sa batang to. Bata palang marunong nang mambola. No wonder kung magiging cassanova to.

"I am Heid Frollo H. Jacob. Pero magiging katulad ko nadin po apelido mo." Sabi nya sakin sabay ngiti.

"Ang cute naman ng pangalan mo." Sabi ko sabay kuha ng pancake at higop ng hot chocolate.

Napabaling naman ako kay mommy na sinusubuan ng pagkain si baby girl.

"Ano naman pangalan ng baby girl natin mommy!?" Magiliw kong tanong sa kanya.

"She's Hexxi Frida. She's just 2 years old and Frollo was just 5. They are siblings but they became an orphan two years ago. Matagal na naming gustong ampunin sila ng daddy mo pero busy naman kami pareho kaya hindi namin maasikaso." Pagkukwento naman sakin ni mommy. At ako naman kumakain habang nakikinig sa pinagsasabi nya.

" oh bilisan mo na dyan. Late kana sa school mo." Sabi nya. Ako naman napatingin sa relo ko. Oo nga. 8:15 na pala. Kanina pang 7:30 ang time namin.

Binilisan ko nalang ang pagkain ko at kinuha ang phone ko sa bag. Nagtext na si Camille.

From: Camille

Miss Amore. Approval nalang po ang kelangan namin from you sa lahat dito. Anong oras ka po papasok?

Sent: 7:44 am

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at nilagay ang phone ko sa bag.

"Mom, i need to go." Paalam ko kay mommy.

"Ate are you going to school? Can I come?" Sabat naman ni Frollo. With matching puppy eyes.

"Frollo you can't busy si ate-"

"Ok lang baby. Hurry, magbihis ka na go!" Sabi ko sa kanya dahilan para mapangiti sya at magtatalon sa tuwa. At tumakbo na sya papunta sa kwarto nya. I like seeing kids with a big smiles.
———-

"Oh ingatan mo yang si Frollo ha. Ikaw naman Frollo wag kang magpapasaway kay ate ha. Bye, I love you both." Sabi ni mommy samin ng bago kami umalis.

"Ok mommy. I love you too." Tugon naman ni Frollo. Imagine. He was just 5 years old but he's acting like a 17 year old guy.

"Bye mom." Sabi ko din kay mommy.

"Babay atchii" sabi naman ni Frida. Napangiti naman ako. That baby is so adorable. Toddler palang sya pero kitang kita na agad kung gaano sya kaganda paglaki nya. While this little guy with me was also adorable and I think it will still the same kahit na lumaki na sya.

Sinara ko na yung pinto ko at inayos yung seatbelt ni Frollo. Nilock ko narin yung pinto nya at inon yung child lock ng pinto ng kotse para safe.

"Frollo, are you Excited?" Tanong ko sa kanya kahit hindi na kailangang itanong kasi kitang kita kong anlapad ng ngiti nya.

"So much ate. But ate, can you buy me aan ice cream?" Malambing na sabi naman nya sakin.

"Ok." Tugon ko sa kanya at pinaandar ang kotse ko.

So far. I am really happy that I have my little siblings.

My Mysterious MystiqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon