Chapter 17: Bullied

2 0 0
                                    

Amore's Pov

"Oh, tuloy nyo na muna to. May kukunin ako sa locker ko ah." Paalam ko sa kanila. Nakaalis na din si Julio. Pupunta daw kasi sya sa mommy nya at aayusin daw nya yung papers nya for transferring. Sa school na nila sya mag aaral. Yhep sa sarili nilang school. Ang Fontaville University. School for Elites kagaya ng school namin.

"Sige Miss Amore" tugon naman nila saakin. Nag umpisa na akong maglakad papunta sa locker ng mga babae. Medyo malayo layo din yun dito sa sc room kaya binilis bilisan ko na ang paglalakad ko.

Nang dumating ako dito sa locker ko, napansin kong bukas yung isang locker. Tiningnan ko ang pangalan kasi may pangalan naman na naka attached dun.

Charlotte Amore Fernandez

Sya yung nerd na kapatid ng Campus Prince na si Ren. Bakit kaya naiwan nyang bukas to. Ang pagkakaalam ko di naman yun nag iiwan na bukas o basta basta lang ang gamit nya.

Patingin ko sa loob ng locker nya. May patay na daga. Nuhh ba yan. Nakakadiri tapos may note na

'Wag kang aali aligid kay Alexander kung ayaw mong magaya dyan sa daga.

-F'

Napakunot naman ako ng noo. Grabe naman ang mga taong to. Sigurado akong si Faei lang ang gagawa nito. Yung initials ay F. Wala ng ibang F na maldita dito kundi sya.

Napatingin naman ako dun sa vandal na nakasulat sa pinto ng locker nya.

'Ampanget mo. Di ka bagay kapatid ni Ren'

'Ampanget mo. Mukha kang walis tambo.'

'Bitchy Nerd. Stay away from Alexander'

Yun lang ang iba sa nakasulat dito pero madami ehh. Di ko na mabasa yung iba kasi ampanget ng hand writing.

Bakit kaya may mga taong bully tapos ayaw naman nilang mabully. Naawa ako kay Charlotte. Gusto ko sana syang maging kaibigan kaso di kami nagpapanagpo ng landas. Kung kelan kasi papasok ako tsaka naman sya absent. Tapos ngayon di ko din sya matagpuan. Hays. Gusto ko pa naman nagpaturo sa kanya tungkol sa ibang mga formulas sa physics.

Sinara ko muna yung pinto ng locker nya tsaka ako umalis.

Kelangang malaman to ng Head Mistress. Bullying is a Crime kaya.

"Hoy babaeng haliparot. Wag mo akong magaya gaya ng style ha. Kasi kahit anong gawin mo mas maganda ako sayo at mukha kang basura."

Narinig ko naman na may sumigaw at nagkukumpulan ang mga estudyante dun. Teka! Ano to! Wait!

"So- sorry. Idol lang naman po kita Ms. Faei." Nangangatog na pagmamakaawa nito habang nakaluhod sa harap ni Faei.

Rinig na rinig ko naman ang pagbo boo ng mga nanunuod sa sinabi ng babae. Napansin kong magulo na yung buhok at damit nya, parang nilapastangan na. Mukhang kanina pa to ah.

"Wala akong paki kung idol moko. Gumawa ka ng sarili mong style at wag mo akong inimitate." Sigaw ni Faei sa babae. Sasampalin na sana nya yung babae kaso naglakad ako papunta sa harap nya.
"M- Ms. A-more?" Nangangatal na sabi ni Faei.

"Patay. Lagot tayong lahat ."

"Nalintikan na!"

"Umalis na tayo dito bago pa tayo madamay."

"Ano kayang gagawin nya?"

"Tingnan mo si Faei. Nangangatog na ang tuhod."

"ALL OF YOU! TO THE GUIDANCE OFFICE. NOW!" sigaw ko naman sa kanilang lahat. Nangangatog na ang mga tuhod nila at parang natigilan sa kinatatayuan nila.

" If someone tries to escape from your group. I will make your life more miserable than hers! Alam ko kung ilan lahat kayo dito kaya don't you dare." Dugtong ko pa. Nakita ko kasi yung iba na nagtatangka ng tumakas.

Wala akong sisino sinuhin sa inyo. Gumaganap man o audience lang. I will just do the duty as Student Council President.

"Now!" Agad naman silang naglakad papunta sa G. O. Kinuha ko naman yung phone ko at dinial ang Head Mistress.

[oh hello Amore? What is it?] tanong ni mam Sylvia.

"Bullying scene. All the involves are going to G. O. Now. I hope you'll punish them accordingly." Sagot ko sa kanya. At naalala ko...

"Lalo na si Faei, she bullied Charlotte also, so she should be punished twice harder."

[ok. Wala talagang takas sayo Amore no? For sure dun sa mga involves kasama ang audience. Haha]

"Yess. Even you Mam Sylvia you can't escape when I once caught you"

Para namang napalagok sya sa kabilang linya.

[ok. I'll do it.]

Binaba ko na yung call at napatingin naman ako dito sa bullying victim.

" oh bakit nandito kapa? Pumunta ka na sa G. O. Kelangan din nila ang statement mo dun." Paglilitanya ko sa kanya. At yung babae naman parang nabigla at napatakbo.

Hays! Sakit talaga sa ulo yang mga bully na yan.

My Mysterious MystiqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon