Charlote's PoV
"Ok bye. Uuwi na ako" sabi ko dun sa kausap ko sa phone tsaka ako inend yung call.
Kinuha ko yung susi ng kotse ko. Hayss. Nakakapagod na maghapon. Dami kasing trabaho, dapat kasi si kuya gumagawa nun eh. Eh kaso inaalagaan naman nya si ate Venus. Hayst. Oh yes Charlotte, accept your faith.-_-
Pumunta kaya muna ako kela kuya? Tutal wala din naman akong kasama sa bahay bukod kena nanay Kara at iba pang katulong. Napakalungkot naman ng buhay ko.
Beep beep.
Message from Kuya
From: Kuya
Lotte, kamusta naman?
Recieved: 8:15 pmI replied;
To: Kuya
I'm fine kuya. Pwede bang dyan muna ako sa inyo matulog? Wala kasi akong kasama sa bahay eh.
Sent:8:16 pmItatago ko na sana yung cellphone ko kaso nagvibrate ulit.
Message from Kuya
From:Kuya
Si axel ba?
Recieved:8:17 pmBilis magreply ni kuya ahh. Di ko na din naalala na may kumag nga pala akong housemate. Pero luhh. Wala akong paki sa kanya. Ayaw ko syang makita. Awat muna sa kapreskuhan nya. Kahit ngayong gabi lang.
I replied again.
To:Kuya
Tss. Wala akong paki sa kanya. So, can I come?
Sent: 8:19 pmSana makaramdam naman si kuya.
Beep Beep.
Message from Kuya
From: Kuya
Ok. You may. Miss ka na din daw ni Ate mo.
Received: 8:20 pmYess!
Medyo napangiti ako dahil sa napakagandang balita na yun. Agad agad kong kinuha ang susi ng kotse ko at inunlock ito.
Ding dong.
Ding—————
"Oh hello li'l sis? How's your day naman?" Bungad naman sakin ni kuya.
"Hon, let her in muna bago mo sya i interrogate." Pabirong sabi ni ate Venus. Agad naman akong napadamba sa kanya dahil sa sobrang miss ko na sya.
"Owowow. Dahan dahan sister. There's a baby between us." Pabiro nanaman nyang sabi. Agad naman akong kumalas sa pagkakaakap ko sa kanya tsaka binaling ang tingin ko sa tummy ni ate.
Medyo lumuhod ako para maabot at mahimas yun.
" hi baby. Im your tita Charry. Excited na akong makita ka." Sabi tsaka tinapat ang pisngi ko sa tapat ng tyan ni ate.
" hoy babae! Tumayo ka na nga muna at ilolock ko tong pinto. Pumasok na kayo dun sa kusina para makakain na tayo." Utos naman samin ni kuya. Ngayon masasabi kong ganap ng lalaki si kuya kasi nagiging bossy na sya.
Sumunod naman kami ni ate Venus sa sinabi nya. Nagulantang naman ako sa nakahain sa mesa nila ngayon. Hindi ko inaasahang ganito ang ipapakain nila saakin.
Pritong tosino na kulay uling, itlog na over easy sana pero naging over hard at ang kanin nilang naninilaw na at halatang na overcook.
Napabuntong hininga nalang ako.
" ate, ipagluluto ko kayo ng PAGKAIN. paki ligpit naman muna ng mga pinggan para maluwang ang mesa." Siguro nagets naman agad ni ate na hindi ako nasiyahan sa niluto nya. Hindi naman kasi magluluto si kuya baka kasi mas malala pa dyan ang sapitin ng mga pagkain yan.
"Pasensya na ha. Hindi talaga kasi ako marunong magluto ee" biglang sabat ni ate Venus habang pinapatas ang mga plato galing sa mesa.
"Ok lang yun ate. Ngayon tuturuan kitang magluto ng tama ha. Makinig kang mabuti." Sabi ko habang patuloy naman sya sa ginagawa pero nakikinig naman sya.
Kinuha ko yung manok galing sa freezer nila. Pinatuluan yun sa tapat ng gripo para madaling lumambot. Kinuha ko din ang sibuyas, bawang at luya tsaka binalatan at hiniwa yun at nilagay sa isang platito.
Pagkatapos kinuha ko naman ang sayote at binalatan yun. Hiniwa ng malalaki kasi matagal din lumambot ang manok.
Kinuha ko yung rice cooker nila tsaka naglagay ng bigad mula sa rice dispenser. Hinugasan ko yung sa unang beses at ang pangalawang beses naman ay kinuha ko ang pinaghugasan para magamit na sa tinola. Hinugasan ko pangatlong pagkakataon ang bigas at sinukat ang tubig tsaka sinalang sa rice cooker.
Nakita ko namang taintim na nanunuod si ate venus nung dumating si kuya.
" ano kaka———" naputol ang sasabihin ni kuya ng makitang tahimik kami ni ate venus sa mga ginagawa namin.
Kinuha ko yung kaserola at inilagay doon ang hugas bigas at pinakuluan ng mabuhay ko ang apoy ng stove nila. Inilagay ko na din duon ang sibuyas bawang at luya para lunasa agad ito sa sabaw. Mamaya na ang manok kapag bumulak na ito.
Napahinga naman ako ng malalim at napaupo din sa upuan malapit saakin. Napansin kong nakaupo din si kuya table set.
"Hayss. Ang hirap ng walang katulong." Reklamo ni kuya.
"Hindi naman habang buhay aasa tayo sa iba eh" tugon naman ni ate sa reklamo ni kuya.
"Hayaan mo kuya. Bukas papapuntahin ko dito si manang kara para naman may kasama kayo dito." Sabi ko sabay ngiti sa kanilang dalawa.
Napatingin naman ulit ako dun sa kaserolang pinaglulutuan ko. Bumubulak na pala. Inilagay ko na yung manok tsaka nilagyan ng knorr cubes. Pampalasa.
Niligpit ko naman muna ang pinagbalatan ko ng mga ingredients kanina at malamang tinapon sa trash bin.
Sinilip ko naman yung rice cooker. Chineck kung ano nang lagay ng laman nun. Wala ng tubig. Ibig sabihin malapit na itong maluto.
Kumuha naman ako ng tinidor at tiningnan ang tenderness ng manok dito sa kaserola. Tama na para ilagay ko ang sayote. At nilagay ko na nga pagkatapos kung hugasan.
Napasulyap naman ako sa mag asawang kasama ko ngayon. Tahimik lang sila na nakatingin sa ginagawa ko. Hinarap ko sila sabay tingin ko sa kanilang dalawa. At ngayon nagkakatinginan na kaming tatlo. Bigla naman kaming natawang tatlo. Hindi ko din alam kung bakit pero natawa lang kaming tatlo. Nilagyan ko na din ng asin at paminta ang niluluto kong tinola. Ilang minuto nalang, makakakain nadin ang mga alaga namin sa tyan.
"Ate, nagugutom kana?" Baling na tanong ko sa kanya pero napailing naman sya.
"Kumain din naman ako kanina ng konti ehh. Pero mukhang malapit nadin akong magutom" sabi ni ate sabay halakhak. Loka loka talaga tong si ate.
"Okay. Luto na!" Anunsyo ko. At automatic namanng tumayo si kuya at kinuha ulit ang mga pinggan at nilagay ito sa mesa. Si ate naman kumuha ng mangkok na paglalagyan ko ng tinola.
Ding dong.
Ding dong.
Ding dong.
Ding dong.Nagkatinginan naman kaming tatlo nila ate. Sino kaya yun.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Mystique
Dla nastolatkówSometimes, Love cames in unexpected ways. Sometimes, love cames but we never noticed. Sometimes, you was hit by it but you are just denying it. Sometimes, you know that you are loving but you are just hiding it from yourself cause you are afraid o...