Chapter 15: Julio

1 0 0
                                    

Amore's PoV

"Are you making fun of me?" Napatingin silang lahat saakin ng dumating ako at bitawan ko ang mga salitang yun sa kanila.

"So masaya pala akong pagtawanan ako?" Dagdag ko pa habang sila hindi makatingin sa akin. Anlilikot ng mga mata nila at maiilap.

"Ate, who are they?" Tanong naman netong kasama ko.

"They are my cheerful officer." Sabi ko sa kanya at tumingin ulit ako sa mga officer na to.

"Tapusin nyo na yan." Mando ko sa kanila at umalis na kami ni Frollo para icheck yung ibang tent.

"Ate, are you mad?" Alog sakin nitong si Frollo habang tinatanong. Napatigil tuloy ako sa paglalakad.

"No Frollo, I am just disappointed." Tugon ko sa kanya at naglakad na ulit kami.

" you know what ate, nung nasa orphanage pa kami ni Frida, kapag nadidisappoint namin o kaya nagagalit namin si sister, binibigyan nya kami ng punishment." Napatingin naman ako sa kanya. Bakit parang kaedad ko lang tong kausap ko?

"Anong punishment naman pingagawa nila sa inyo? Pinaluluhod ba kayo sa asin?" Napa OA. Ako sa pagtatanong neto ah? Medyo hindi na nagpreno ang bibig ko ahh.

"Nope unless. They are giving us a time make us reflect and realize the things that we've done. Kapag tapos na yung oras ng realization, pupunta na kami sa kanila para magsorry." Pagkukwento nya. Feeling ko talaga may kausap akong 17 years old pero bubwit naman tong kasama ko.

Napabuntong hininga nalang ako at ngumiti sa kanya. I love this little guy. Magkakasundo kami neto.

"Tara pasok tayo." Aya ko sa kanya. Nakita ko namang nanlaki ang mata nya. Napatingin ako dito sa tent na papasukan namin.

Play Tent.

Parang nagniningning ang mga mata nya habang nakatingin sa entrance ng tent. Napangiti naman ako kasi kahit ang mature na nyang magsalita ay gusto parin nyang maglaro kagaya ng ibang mga bata. Mga normal na bata.

"Hi President, Good morning." Medyo nagulat naman ako sa bumati saakin. Napahawak naman ako sa dibdib ko tsaka ko sya tiningnan. Si Callil pala.

"Good morning din. Callil ha, kung ako inatake sa puso mumultuhin agad kita" pabiro kong sabi sa kanya.

"Hehe. Sorry na po." Sabi nya sabay kamot sa ulo. Napatingin naman sya kay Frollo.

"Sino po itong gwapong kasama nyo? Boyfriend mo?" Biro naman nya. Napataas naman ang kilay ni Frollo.

"Hindi. Kapatid ko si Frollo." Tugon ko naman sa kanya.

"Ah. May kapatid kapala?!" Parang nabigla sya sa tono ng boses nya.

"Oo. I just knew. Hahaha. By the way, ok na ba yang tent?" Tanong ko sabay napangiti sa kanya.

" o yhep, the play tent, the food tent, the horror house, the photo booth, the tattoo booth and the music booth is already done and polished. Only the wedding booth is not." Pagrereport nya saakin. By the way, he is Callil Almarez. He is vice president.

"Ahh. Oo nga pala nasan si Rio? Hindi ko sya nakita dun sa wedding booth kasama ng ibang masayahing officers?" Tanong ko sa kanya.

"Ahh, kausap yung mga performers. Chinecheck lang nya." Sagot naman nya.

"Bakit parang hindi ka natutuwa dun sa ibang officers?" Pahabol pa nya.

"Wala." Maikling tugon ko tsaka ko binaling ang tingin ko kay Frollo.

"Baby, dito ka muna kay kuya Callil ha. Sasamahan ka nya maglaro sa loob. Kukunin ko lang yung foods sa kotse ha?" Paalam ko sa kanya.

"Ok ate." Magiliw nyang sagot tsaka bumitaw sa pagkakahawak sakin at humawak naman sa kamay ni Callil.

" oh Cal, ikaw muna bahala kay Frollo ha. Kukuha lang ako ng meryenda nyo." Sabi ko at tumango nalang sya bilang responds. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa parking Lot.

Parking Lot.

Kinuha ko yung susi ng kotse ko at binuksan ang pintuan. Nilabas ko ang mga pagkain na nakalagay sa isang malaking basket tsaka yung isang cooler na may lamang drinks. Napahinga naman ako ng malalim at napaisip.

"Paano ko kaya to madadala sa loob ng mag isa lang ako!?" Napahibi nalang ang mukha ko. I guess tatawag nalang ako ng tulong.

"Need help?" Sabi naman ng isang lalaki mula sa likod ko. Bakit parang familiar yung boses nya?

Humarap ako para makita kung sino yun. At nakita ko naman ang isang napakagwapong lalaki na kabababa lang sa black car nya.

"Tulungan na kita." Sabi nya sabay ngiti saakin. He really is a nice guy hanggang ngayon.

"Anong ginagawa mo dito Julio?" Turan ko sa kanya pero ngumiti lang sya at kinuha yung cooler na may lamang drinks. At dinampot ko din yung basket na may lamang foods.

"Are you surprised mi amor?" Sabi nya.

Napangiti nalang ako sa sinabi nya. Matagal tagal na rin nung marining kong tawagin nya akong

Mi Amor.

My Mysterious MystiqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon