Chapter 28: Crazy Women

0 0 0
                                    

Alexander's Pov

"Hello mom, what's the matter?"

[myyyyyyy sooooooon! I missssssss youuuu. BADLY.] sabi naman ni momy sa kabilang linya.

"I miss you too ma." Tugon ko naman. Narinig ko namang napabuntong hininga sya sa kabilang linya.

[Son, Can you come home. Ang lungkot ng bahay kapag wala ka dito eh.] nalulungkot ang tono nyang sabi. I know that tone of her voice. And I know she's about to cry.

"Mom, I can't be home. I am busy here, may event ang school the whole week and I'm one of the incharges." Sagot ko sa kanya dahilan para mapabunot sya ng isang malalim na paghinga.

[aw. That's really bad. Hmmm... I really miss my baby.] pagmamaktol nya sa kabilang linya.

Ewan ko ba dito kay mommy. Minsan talaga mas matured pa ako mag isip sa kanya. Hindi ko din alam kung paano namanage ni daddy yun.

[what about... Visiting you there? I think that's a good idea.]

"Mom!?" Yun nalang ang nasabi ko sa kanya .

[sige my son. I'll end up this call, tatawagan ko si tita missy mo to tell my very good idea.]

"What!? Are you serious?" Omay! Ayokong pumunta dito sa bahay nila charlotte si mommy. Napakadaldal pa naman nun. Baka ikuwento nun lahat kay charlotte. Simula sa natuto akong maglakad, magsalita, magbasa, magsulat, magkacrush.. AY DI KO KAYA TO!

[bye son. I love you!] masigla nyang sabi. Pagkatapos, ayun...

Totoooot.

Nawiwimdang tuloy ako sa kaiisip kung paano ko mareresolba tong panibagong problema na to. Aist.

"Hoy! Ano papasok ka ba o maghapong tutunganga dyan?" Bulyaw naman sakin nung babaeng pababa sa hagdanan.

Napalundag naman ako ng bahagya dahil sa gulat.

"Papasok. Eh ikaw papasok ka? What I mean is papasok ka ba sa school?" Mahirap na. Baka mapilosopo ako ng amazonang to. Mas mabuti nang agapan.

"Di ba obvious?" Sarkastik nyang sabi. Ayos ah!? Napilosopo parin ako. Hanga na talaga ako dito sa wierdong to.

"Nye nye. Whatever." Pagsagot ko sa kanya.

Nagsimula na akong maglakad para kunin yung susi ng kotse ko.

"Pasabay ako ha." Sabi nya

Aba't ang kapal ng mukha ng bruhildang babae yun. Matapos akong halikan ngayon ang lakas ng loob makisabay sakin pagpasok. Kapaaaaaal talaga.

"Ok sige. Sasabay ka lang ha. Wag kang sasakay." Sabi ko tsaka tumakbo papunta sa garahe at dali daling pumasok sa loob ng kotse. Narinig ko namang tumakbo rin sya pasunod sakin.

"Hoy! Kumag. Wag kang madamot. Hindi mo ikagwagwapo yan." Bulyaw nya habang kinakalampag ang bintana ng passenger seat. Balak pa atang sirain ang bintana ko.

"Baka mabasag yang salamin ko. Babayaran mo yan pag nasira mo." Sagot ko naman sa kanya sabay tawa ng malakas .

Kumunot naman ang noo nya with matching pout.

Dugdugdug.

No ba puso? Wag ka ngang papadala sa pacute nyang brutal na yan. Panget panget nyan eh.

"SISIRAIN KO TALAGA YANG KOTSE AT HINDI KITA BABAYARAN KAHIT SINGKO KUNG HINDI MO KO PAGBUBUKSAN." Tinatakot ba nya ako?

I'm not scared.

"Whatever. Bwahahahah"

Hindi naman sya sumagot. Nakita ko namang umalis sya. Niistart ko na yung engine ko, ng makita kong bumalik sya.

Ang bruha may dalang bato.

"Ano? Bubuksan mo o babasagin ko ang bintana mo at mukha mo?" Nanlaki naman ako ng mata ko dahil itinaas na nya yung kamay nyang may hawak ng bato. Watda!? Seryoso ba sya?

"Wag! Oo na! Oo na! O pumasok ka na." Nagmamadali ko ding binuksan ang pintuan ng passenger seat bago pa man gawing kawawa ng brutanelang to ang mahal kong kotse.

"Bubuksan din pala dami pang gusto mangyare." Litanya nya habang nagsusuot ng seatbelt nya.

Napabuntong hininga naman ako. Hay nako.

"Ano? Maghapon ka nalang bang magbubuntong hininga hindi ka na magdridrive?!" Sigaw nya sakin.

"Alam mo, mas gusto ko pa yung tahimik na Charlotte kesa Charlotte na katabi ko ngayon. So loud. Nakakairita"

Nagumpisa na din kaming umandar.

"Wala akong pakialam." Sabi nya tsaka nahagip ng p. view kong umikot ang mata nya.

Hindi na sya nagsalita simula nun.

Nakarating din kami sa school. After a long ride. Bakit long ride eh samantalang 20 minutes lang yun?

Eh kasi napaka- akward ng atmosphere sa loob. Ewan ko ba kung sakin lang, hindi ko kasi mabasa ang isip nya since naka blank face sya. Tapos wala manlang salitang lumabas sa bibig nya. Kahit paghinga nya ipinagkait nya na rin atang ipirinig saakin.

I'm done parking my car at akmang bubuksan ko na ang pinto ng driver's seat nung marining kong binuksan din ni Charlotte ang sa passenger's. Agad din syang lumabas kaya lumabas na din naman ako. Nag umpisa na syang maglakad habang pinanuod ko ang paglalakad ng may topak na yun.

"Oy, salamat ah!" Sigaw ko sa kanya pero ni sensyas ng salamat wala. Para ngang walang narinig eh.

Ano kayang topak nanaman ang sumapi dun?

That girl really has something.

Dumretso na din ako ng paglalakad para pumunta sa assigned booth namin. Today is thursday. That means there's only three days left .

Pagdating ko sa tent namin, parang pagod na pagod na agad ang mga co- officers ko.

"Oh bakit ganyan ang mga mukha nyo? Ke aga aga palang mukha na kayong mga pagod?" Napatingin naman sila sa sinabi ko at ako naman inilapag ko ang bag ko ilalim ng counter desk ng tent namin.

"Hindi kasi namin alam kung alin ang sisimulan? Nakakapagod pala ng walang organization. I wish Ms. Amore was here." Sabi ni Heren. Napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit? Hindi ba papasok si Ms. Amore?"

"Yah. She said that there's an emergency just came."

Nalungkot tuloy ang mukha ko. Bakit kasi di sya papasok? Naman!? Nakakawala tuloy gana gumalaw dito.

My Mysterious MystiqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon