[First Author's note:
Siguro nagtataka kayo kung bakit walang mga note sa nauna kong mga UD!? Well dahil tinatamad po ako to be honest at gusto ko nalang pag isahin yun sa isang buong chapter. But wait. Humirit ako ng first note dahil gusto ko lang magshare. Owo. SML. Unahan ko na kayo? Angal? This day kasi busog na busog ang mga mata ko sa mga gwapong nilalang dahil sa first aider ako ng cluster meet namin. Hahaha. Ok na rin yun kasi nagkita ako ng gwapo. Pero it doesn't mean na nagtataksil na ako sa mahal kong boyfriend. Sml ulit. At dahil dun nainspire akong ituloy ang chapter ko dahil sa kapogian ng mga matitigas na bato sa cluster at bazaar namin. I hope you will like it. Mwapps🤭💕]
~
Amore's PoV"Are you surprised mi amor?" Tanong nya saakin. Wow ha. Kelangan ko ba huling narinig yun sa kanya? Two years ago!? Napangiti nalang ako. How I misses this feeling.
"Sino namang hindi mabibigla sa biglang presensya mo? Julio Lagdameo?" Seryoso kong sabi sa kanya.
" hindi mo manlang ba sasabihing namiss mo na ako?" Banat nya sakin. Mukang wala syang balak sagutin ang tanong ko sa kanya.
" kelangan pa ba yun?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya.
"Di ba sabi mo kahit wala na tayo, friends parin tayo, so that I assumed na namiss mo parin ako kahit hindi na kagaya ng dati" bigla namang naging seryoso ang mukha nya. Aysst. Bakit ba kasi ganitong lalaking to.
'Oy sino yung kasama ni president?'
'Luh owo nga ang gwapo.'
'Baka boyfriend nya. Kita mo naman tinulungan nya si President.'
'Lahat naman tutulong kay ms. President kung nangangailangan sya ehh.'
'Sabagay. Pero alam mo bagay sila.'
'Oo nga no. Alam mo parang nakita ko na yung dati. Di ko lang matandaan kung saan.'
Napatingin naman ako kay Julio. Yah. He's damn charming kaya ng naging kami di ba? His face was made perfect. Even his wholeness. Yun nga lang tahimik syang tao. Palagi lang syang nasa isang sulok at pinipiling mag isa. Ako lang yung taong nagpumilit na samahan sya noon sa malungkot nyang mundo para gawin yung maganda. I never failed. We fell inlove to each other but at the kelangan parin naming maghiwalay kasi we both know that we are not meant for each other. Magkaiba na kasi kami ng mundo eh.
Nakarating kamo sa play tent kung saan ko iniwan si Frollo. Dala dala namin yung meryenda para sa lahat. Nandun na din silang lahat.
Umiiwas sila ng tingin sakin. Nahihiya sila siguro sa ginawa nila. Only Callil, Alexander and Rio can communicate to me properly.
"Oh, Cal, pamigay mo na to." Inabot ko kay Callil yung mga pagkain. At inabot din naman nya sa iba.
"You are Julio Lagdameo, right?" Napatingin naman ako kay Alexander. Paano nya nakilala si Julio.
" Yes. Alexander Gonzales" parang nagulat kaming lahat sa nangyari. How come na magkakilala sila?
"Oww. Magkakilala kayo?" Pabirong sabi ni Rio. Yess. Rio. Pero yung pagkakasabi nya alam kong nagtataka din sya.
"Yhep. We're classmates during our gradeschool." Pagsagot naman ni Alexander. Pero parang blangko ang mukha nya. What is happening here?
"Good term or Bad terms?" Pag uusisa naman ni Camille pero hindi pa din sya makatingin sakin. Guilt kills.
"Good terms" sabay nilang sagot tsaka biglang tumawa. Adik ba tong mga taong to?
"Ate, ate" tawag ni Frollo sakin habang hinihila ang damit ko.
"Yess Frollo?" Tugon ko naman sa kanya.
"Are the both of them are getting insane. They are laughing so loud. I am scared." Sabi nya tsaka napatago sa likod ko.
Napatingin naman ako dito sa dalawang tawa ng tawa na to. Nagkatinginan muna sila bago sila tumahimik.
"I think tinakot nyo si Frollo." Sambit naman ni Callil na nasa likod nilang dalawa. At ang mukha naman ng dalawang to ay mukhang nagtataka.
"Who's Frollo?" Tanong ni Julio. Tsaka tumingin sakin pero bakas parin sakanya ang pagtataka sa mukha.
"I am Frollo." Tugon naman ni Frollo na nakalabas na pala mula sa likod ko.
Para namang nanggigil si Julio at si Alxander nung nakita si Frollo.
"Sino yan Amore? Boyfriend mo?" Pagbibiro ni Julio. Sinaman naman sya ng tingin ni Frollo.
"No, he's my Brother." Patawa kong sabi sa kanila. Natawa din naman sila kasi parang nagtataka ang lahat bukod kay Callil.
" tss. Kumain nalang kayo dyan. At mamaya babalik na tayo sa kanya kanyang gawain. Ok?" Ma authority kong sabi sa kanila at sila naman tumango at sinimulang kumain.
"Miss Amore sorry po kanina ha. Hindi na po mauulit." Sabi Camille. Sa wakas, naglakas loob na syang tumingin saakin at maging ang iba. Sabay sabay naman silang tumango at ngumiti saakin.
"Ok sige. Pero bilang punishment nyo. Kayo ang magbabayad ng lahat ng kinain nyo." Kunwari seryoso kong sabi sa kanila. Nanlaki naman ang mga mata nila. Ok. Expected Reaction ko na yan. Kuripot yang mga yan e.
" haha. Biro lang. It's all on me." Pagdugtong ko naman at napabuntong hininga nalang sila sabay sabay.
Napatingin naman ako kay Julio. Ano kayang ginagawa nito dito? Kelan pa sya bumalik mula sa States? Bakit pa sya bumalik? Hays sakit sa ulo.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Mystique
Teen FictionSometimes, Love cames in unexpected ways. Sometimes, love cames but we never noticed. Sometimes, you was hit by it but you are just denying it. Sometimes, you know that you are loving but you are just hiding it from yourself cause you are afraid o...