Chapter 18: Your Love 🎶

3 0 0
                                    

Charlotte's Pov

"Hi, Charlotte." Sabi ni ate Sally. Isa sa mga kasambahay namin dito.

"Hello ate Sally. Maganda yata ang araw mo ah. Hawaan mo naman ako." Tugon ko naman sa kanya. Kinurot naman nya ako sa pisnge. Okay. Kaya ayaw kong magpakita dito eh. Hobby na nyang pangggigilan ako.

" ikaw talaga na bata ka. Ang ikagaganda ng araw mo ay nasayo. Wala saakin." Napailing sya habang nakangiti.

"Ate Sally. Inlove ka siguro no?" Pang aasar ko sa kanya. Ok. Maasar ka please. Maasar ka.

"Adik! Kanino kaya?" Parang namula sya. Hahaha. Gotcha ate Sally.

"Kumain ka na nga lang dun. Handa na ang hapunan. Bukas pa ang uwi ni manang Kara ha." Dugtong pa nya. At tumango nalang ako.

Papaupo na sana ako kaso may biglang lumundag dito sa harapan ko. -_-

"Hoy panget." Pang aasar nanaman nya.

"Panget mo mukha mo. Umalis ka nga dyan." Turan ko habang tinutulak ko sya papunta sa kusina.

" mas panget ka. Bakit di ka pumapasok?" Nakangising tanong naman nya.

"Pumapasok ako. Yun nga lang sa opisina hindi sa School." Sagot ko.

"Bakit ikaw ang nag iintindi ng opisina nyo?" Tanong nanaman nya. Napapapagod na ako kasasagot sa kanya ha. Pinaglihi ba sya sa kakulitan o kay Mike Enriquez? Hindi kita tatantanan. -_-

"Eh di ikaw nalang ang mag intindi. Papasok ako." Sabi ko. Napakunot naman sya ng noo. Grabe!

"Dapat—

Kumuha agad ako ng shanghai at isinubo yun sa kanya para tumahimik na. Kalalaki nyang tao, ang daldal daldal nya. Spell nakakayamot. A-l-e-x-a-n-d-e-r.

Wala na nga syang nagawa at umupo na din sya para kumain. Aba! Kanina pa sya dito, bakit ngayon lang sya kakain? Tss.

"Papasok ka ba sa school bukas?" Tanong nya. But this time, seryoso ang mukha nya kaya ginanahan akong sumagot.

"Sasaglit lang ako dun." Tugon ko naman sa kanya.

"Sumabay ka na saakin bukas." Sabi naman nya. Wow! Shanghai lang pala ang katapat neto ehh.

"Ok thanks." Ngingiti na sana ako kaso...

"Sasabay lang, wag kang sasakay. Bwahaha" -_- spell tarantado. A-L-E-X- A-N-D-E-R ulit. Batuhin ko nga sya ng kutsara. Ayun. 3 points sa noo. Ano. Buti nga sayo.

"Aray. Ang sakit nun ah. Pagto bumukol, susumbong kita." Parang bata. Isusumbong daw ako. Tss. Dyan ka na nga. Nakakawala ka ng gana kasabay.

Tumayo na ako. Paalis na sana ako kaso nagsalita ulit sya.

"Nerd-ang Brutal, sabay na tayong pumasok bukas." Teka. Ano daw tawag nya sakin? N-nerd-ang Brutal?

"Wag na! Thanks." Tugon ko tsaka ako umakyat sa kwarto. Nakakainis. >.<*

" You're the one that never lets me sleep
To my mind, down to my soul you touch my lips
You're the one that I can't wait to see
With you here by my side i'm in ecstasy"

Sino yun? Ang ganda ng boses ahh. Mahusky. Every girls weakness. Dumeretso ako ng pagbaba sa hagdan.

"I am all alone without you
My days are dark without a glimpse of you
But now that you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, my morning shines
And I can see"

Pagbaba ko nakita ko si axel na kumakanta. Ows? Sya ba talaga yun? I kennat believe it. Akala ko gwapo lang sya pero walang talent. Wait? What? Do I tell that he's handsome. No way. Erase. Erase. Erase. Natatanga ka lang Charlotte.

"Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I feel the chill inside"

Aww. Ang gwapo ng boses. Yung boses lang, hind yung kumakanta ok? Lintik! Malisyoso kayo ah. Wag pandit.

"Every time I hear our music play
Reminds me of the things that we've been through
In my mind I can't believe it's true
But in my heart the reality is you" ayan, kumanta tuloy ako. Masyado akong nadala nung kanta eh. Ang ganda kasi. Parang nagulat naman si Axel pero pinagpatuloy parin nya ang pagtugtog nya ng gitara.

"I am all alone without you
My days are dark without a glimpse of you
But now that you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, my morning shines
And I can see" sya yun. Oh di ba taray, palitan kami ng verse. Duet ba?

"Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I feel the chill inside" this time sabay na kami. Nagsesecond voice din ako. Taray ng lola. Nagsesecond voice. Bwahaha.

"Bakit moko sinabayan kumanta? Nagpapractice ako eh." Turan nya.

"Ang panget kasi ng boses mo kaya kelangang sabayan kita para naman gumanda." Basag ko naman sa kanya. Hahaha. I win. I win. Yesssssss. Woot wot woot.

"Eh mas panget naman yung boses mo." Ayun. Broken glass. Sira ang pagpyepyesta ko.

"Hahahah. Asar. Oo na ang ganda ng boses mo." Dugtong nya. What? Ano daw. Nabibingi ako. Nag init tuloy ang mukha ko.

Dugdug. Dugdug.

"Ikaw din maganda ang boses." Sabi ko tsaka tumakbo sa kusina. Waahhh. Nakakahiyaaaaa. Lupaaaa. Lamunin mo na ako now na!!!!

————————————————————

Song credit: YOUR LOVE by Alamid💕

My Mysterious MystiqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon